image

Nagpahayag ng pagtaas sa konsumo ng kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) dahil sa pagtaas umano ng wholesale electricity spot market (WESM) charges na magtataas din sa generation cost.

Paliwanag ng pamunuan ng Meralco, ang overall rate sa isang household ay tataas ng P0.0872 per kWh mula sa kunsumo na P8.3195 hanggang P8.4067 per kWh noong isang buwan na tataas ng nasa P17 sa total bill ng isang residential customer na kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan, P26 sa mga kumokonsumo ng 300 kWh, P35 sa mga kumokonsumo ng 400 kWh, at P44 sa mga kumokonsumo ng 500 kWh.

Ang overall rate ngayong buwan ay nananatiling P0.5884 per kWh na mas mababa sa P8.9951 per kWh ng nakaraang taon.

Kasama sa pagtaas ang ERC-approved adjustments for pass-through over/under-recoveries mula January 2017 hanggang December 2019 kaya ipatutupad ng Meralco ng ERC-approved adjustments mula January 2021 hanggang April 2021 na magkakaroon ng net refund na aabot sa P0.1150 per kWh.

Hindi naman magtataas sa Universal Charge-Environmental Charge base sa direktiba ng ERC.

Samantala, tinitiyak ng Meralco na iiral pa rin ang ‘no-disconnection policy’ hanggang Abril 15 na nangangahulugan na walang mapuputulan ng kuryente hanggang sa nasabing panahon. LOUIS TANES