image

“SERYE NG TULANG DAGDAG KAALAMAN”

NI: JD AGAPITO

“Bakit ako Nagtatanim”

Nagtatanim ako para sumaya
Dahil kakaibang sigla ang nadarama
Lalo kung lumalaki at buhay na
Galak ko sa puso ay damang dama

Nagtatanim ako para dumami
Itong mga halaman ko sa tabi tabi
Mga bulaklak o kung may bunga kasi
Kung mga gulay tulad ng mga sili

Nagtatanim ako dahil nais kong magbigay
Nitong mga mayanang pinarami kong tunay
Iba’t iba kasi ang kanilang kulay
Sa lamig sa mata ay hindi sasablay

Nagtatanim ako para mapresko
Masarap huminga dahil oxygen nga ito
Bukod pa sa siguradong organiko
Dahil pataba ay di naman sintetiko

Nagtatanim ako dahil nais kong tumulong
Para maiwasan itong soil erosion
Kung walang taklob ay may malnutrisyon
Ang kahahantungan ng lupa dito sa ating nasyon

Nagtatanim ako para may maani
Lalo kung gulay ay aking naparami
Kung may basil, may pesto na siempre
Nais kong subukan ang hydrophonics kung pwede

Sa huli nagtatanim ako para sa kalikasan
Nais kong tumulong at mag-ambag naman
Ito rin ay pasasalamat sa Diyos na makapangyarihan
Sa kanyang di masukat na biyaya sa sanlibutan

Subalit may hiling din ako na nawa ay mangyari
Umulan kapag init ng araw ay laging matindi
At uminit naman kung panay na ang ulan siempre
Dahil tulad sa ating buhay, dapat ang suplay ng tubig ay balanse

image