Bumili ang Department of Agriculture (DA) ng mga kambing at tupa sa iba’t-ibang farm sa Australia sa ilalim ng proyekto ng DA-National Livestock Program (NLP) Bayanihan II project na Nucleus and Multiplier Breeder Farms for Poultry, Swine and Small Ruminants. Inihatid ang mga small ruminants sa Clark International Airport ngayon, ika-18 ng Mayo, 2021.
Pinamunuan ni DA-Bureau of Animal Industry (BAI) Veterinary Quarantine Officer Dr. Ferdinand Montano ang inspeksyon ng tinatayang 250 breeder goats at 450 breeder sheep sa arrival area.
Ang mga small ruminants ay ipapadala sa quarantine site sa Lubao, Pampanga kung saan iqu-quarantine ang mga ito ng 30 days bago ipamahagi sa DA nucleus and multiplier farms for small ruminants. Ang mga multiplier farms ang responsable sa pagpaparami ng reproduksyon ng mga hayop na maaring pagmulan ng pangkabuhayan ng mga farmers.
Layunin ng Nucleus and Multiplier Breeder Farms for Nucleus and Multiplier Breeder Farms na pataasin ang kalidad at kapasidad ng produksyon ng mga DA farms ng BAI at Regional Field Offices (RFOs) upang mapataas ang lokal na produksyon ng poultry at livestock. (Pia Martinez / DA-BAI)