“Serye ng Tulang Dagdag kaalaman”
NI: PROF JD AGAPITO
“Tag-ulan sa Buwan ng Hunyo”
Natapos na ang ating tag-init
Tag-ulan ang sadyang ninanais
Uhaw na mga halamang dumilaw ng higit
Parang mamamatay at di na babalik
Subalit dumating na itong hinihintay
Dumilim ang langit at lumuhang tunay
Luha para sa mga taong nalulumbay
O luha nitong galak sa mga tagumpay
Sinipsip ng lupa itong mga tubig
Tila kulang pa nga at dagdag ay nais
Sigla ng halaman sadyang nanumbalik
At sa pagkamatay ay di na nanganib
Masaya na muli itong mga tanim
Tipid na sa tubig sa mga diligin
Maging sa oras kung iyong tutuusin
Pero nakakaaliw naman dito sa damdamin
Hirap magpatuyo ang mga labandera
Tumitingin sa ulap bago pa maglaba
At dahil tag-ulan iiskedyul na muna
Para mga damit ay di na problema
Sa iba namang sa hapon ay naglalakad
Regular na iskedyul ay apektadong tiyak
Basta tama lamang ang pag-ulang tiyak
Malayo sa bahang problema ng lahat
Sa huli ay ating alalahaning maigi
Tag-araw o Tag-ulan ay biyayang malaki
Mula sa kalangitang tinatanaw parati
Tagapagligtas natin ay naroroon kasi
Salamat po. Happiness