image

Inilunsad ng Ang Probinsyano Party List (APPL) sa pangunguna ni APPL Rep. Alfred C. Delos Santos ang kaunaunahang health care service na “ Alagang Probinsyano Health Service” sa Barangay Tañong Marikina City kahapon July 12, 2021, na may temang: “Alagang Probinsyano, kalinga ng Marikina LGU”.

Ang nasabing heath care service, ay may libreng medical check up, maintenance medicines at vitamins, mayroon ding diagnostic at laboratory test kung kinakailangan at online fallow-up medical checkup. Sa mga hindi naman makakapunta sa venue dahil sa bedridden, sila ay pupuntahan na mismo sa kanilang mga tahanan.

Nakinabang sa kaunaunahang health care service na inilunsad ng APPL ay ang Barangay Tañong sa Marikina City. Umabot sa mahigit isang daan (100) na benepisyaryo mula sa A3 Category ang nakinabang kasama na ang ilang bedridden na hindi kayang makapunta sa venue. Bago pa matapos ang ginagawang medical checkup at pamimigay ng gamot sa Tañong High school, nagtungo ang ilang team ng APPL  kasama ang LGU, media,  doctor at health care workers, sa dalawa pang benepisyaryo na bedridden na hindi na kaya pang makapunta sa nabanggit na venue.

Sa pagdating ng grupo sa bahay ng dalawang bedridden na sina Mary Ann Duran at Rosendo Garza sinuri ang mga ito ng doctor. Pagkatapos ng medical checkup si Mary Ann Duran na dating labandera nagkaroon ng sakit at di na makabangon ay binigyan ng grocery items, gamot, vitamins at kutson para kumportable ang higaan nito. Napasama rin ang 2 anak ni Mary Ann sa programa ng DOLE na TUPAD o Tulong Panghanapbuhay Para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa tulong ng Ang Probinsyano Party-list.

Si Rosendo Garza naman na dating seaman na na-stroke, dalawang anak naman nito ang tumanggap ng TUPAD certificate bilang pagkilala sa kanila bilang opisyal na benepisyaryo ng programang tumutulong sa mga walang trabaho. Binigyan din ng dagdag ayuda na mga grocery items gamot at vitamins.

Umaasa rin ang APPL na sa paglulunsad ng “Alagang Probinsyano Health Service” sa Marikina City,  mas marami pang lugar sa Metro Manila na mahihirap at may mataas pa rin na kaso ng COVID-19 ang makinabang sa kanilang health care project.

Sa panayam ng ilang mamamahayag kay APPL Rep. Delo Santos, natanong ito kung bakit Marikina ang kanyang napiling pagdausan ng kaunaunahang paglulunsad ng “Alagang Probinsyano Health Service.” Sinabi nito na isa si Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro sa kaniyang iniidolo dahil sa mahusay na pamamalakad nito sa kanyang nasasakupan at nakasama na rin niya umano ito sa ilang mga proyekto kung kaya ganon na lang ang paghanga niya rito.

No description available.

No description available.

image