image

Nakumpleto na kamakailan ang itinatayong Plant Nursery and Consolidation Facility para sa Sweet Potato Clean Planting Materials (CPM) na inaasahang magbubukas ng oportunidad sa mga magsasaka sa Bataan upang kumita ng higit pa sa kanilang inaani.

Ipinatupad sa ilalim ng Department of Agriculture – Philippine Rural Development Project (DA-PRDP), ang Php 4.8 milyong halaga ng proyekto na layuning maisulong ang mas mataas na ani at produksyon bilang pagsuporta sa OneDA approach.

Nagsagawa ang Regional Project Coordination Office (RPCO 3) sa kooperasyon ng Project Support Office (PSO) ng final inspection noong ika-18 ng Hunyo kung saan maituturing ng 100% kumpleto sa istraktura ang nasabing proyekto matapos maisagawa ang ilang pagsasaayos.

Kinakitaan ng pagbabago mula sa negosyong ito ang karamihan sa mga magsasaka na karaniwang gumagamit ng mga pinagputulan ng kamote (langgok) mula sa kanilang mga bukid bilang kanilang mga materyales sa pagtatanim dahil walang magagamit na sweet potato CPM sa Bataan.

Gamit ang mga pasilidad, tiniyak sa mga magsasaka ang pagkakaroon ng CPM mula sa Binukawan Bicol Marketing Cooperative (BBMC).

Sisimulan din ng BBMC ang pagpapalaganap ng plantlet kung saan mapagkukunan ng C1 na nangangailangan ng plant nursery upang maprotektahan at maiwasan ang mga peste at sakit na maaaring umatake sa mga plantlet.

Bukod dito, lilikha ang kooperatiba ng hanapbuhay sa pamayanan na magbibigay ng kita upang mapanatili at maiangat ang kalagayan at pamumuhay ng mga benepisyaryo. # # # (DA-RFO III, RAFIS)