Serye ng Tulang Dagdag Kaalaman

Ni: Prof. JD Agapito

image

“Buwan ng Agosto 2021”

Pang walong buwan na ng taon
Covid 19 ay narito pa rin ngayon
Nilalabanan ng buong mundo ang hamon
Nagkakaisa at nagtutulong ang mga nasyon

Bakuna ang isang hayagang paraan
Upang Covid 19 ay malabanan
Pero dahil sa bago ang sakit sa sanlibutan
Marami pa ang masusing pinag-aaralan

Kaya kumplikado ang sitwasyon
Dahil virus ay may mutation
Mga variant mismo ay mayroon
Delta ang pinakahuli sa ating nasyon

Dahil balitang mabilis makahawa
Pinag-iingat ang lahat ng masa
Di garantiyang bakunado ka na
Kaya mga protokol ay sundin tuwina

May pagbabalik ng GCQ sa ECQ (General,Enhanced)
Antas ng Community Quarantine ito
Mga paglabas ng tao ay limitado
Upang mapigilan ang hawahan mismo

Dagdag na suliranin ay pag-ulan
Tuloy tuloy kaya baha ay di mapigilan
Pinalubha ng mga basura kung saan saan
Na bumabara sa dapat dinadaluyan

Sa huli mas lalo pa dapat tumibay
Sa mga pakikibaka sa ating buhay
Mas higpitan ang kapit sa Diyos ng patnubay
Manalangin at manampalataya ng walang humpay