“Serye ng Tulang Dagdag Kaalaman”

Ni: Prof. JD Agapito

image

“Pandemyang Problema”

Noong isang taon at buwan ng Marso
Naglockdown sa Metro Manila mismo
Dahil ngayon ay buwan ng Agosto
Matagal na ring mundo ay problemado

DOH o ang departamento ng kalusugan
Nakatutok sa Covid 19 na karamdaman
Sars cov 2 virus ang siyang dahilan
Sistemang respiratoryo ang kinakalaban

Symptomatic at asymptomatic ay banggitin
Kita o di kitang maysakit kung iisipin
Kaya mas nakakahawang magaling
Di matukoy kung sino ang gagamutin

Patuloy ang paghanap ng solusyon
Bakuna ang tinututukan ngayon
Pero kulang sa dami ng populasyon
Bukod pa sa di sapat na produksyon

Kaya lahat ay sadyang pinag-iingat
Kung pwede ay wag munang lumabas
Gumamit rin ng face shield at face mask
Mga kamay ay palagiing nahuhugas

Sa huli bahagi ng buhay ang problema
Kaya lahat ay dapat na nagkakaisa
Sumunod sa nararapat na protokol talaga
Magdasal at patuloy na manampalataya