“ Serye ng Tulang Dagdag Kaalaman”

Ni: Associate Prof. JD AGAPITO

image

“Gulayan sa Pamayanan “

Gulayan sa Pamayanan ay tagumpay
Mga komunidad ay natulungang tunay
Salamat sa proyektong sa bayan ay alay
Kaya sa hapag ay may masusustansyang gulay

DOST-NCR at PCAARRD ay magkatuwang
Sa proyektong inilunsad sa 19 na pamayanan
Kung saan mga tao ay tinulungan
Ibinahagi ang 2 teknolohiyang kailangan

EPP ang unang acronym na unahin
Enriched Potting Preparation ang ibig sabihin
Si Dr. Eduardo Paningbatan ng UPLB ay banggitin
Retiradong Propesor na nakatulong na magaling

EPP ay binubuo ng tataniman at lupa
Plastik na botelya ng softdrinks ay pwede na
Coco coir at yung compost soil extract ay kasama
Kaya makakatiyak na mga gulay ay bubunga

Yung sunod naman ay ang SNAP na acronym
Simple Nutrient Addition Program Hydrophonics
Akma sa siyudad na walang lupa kung iisipin
Kaya sa mga lalagyan, gulay ay kayang patubuin

Sina Dr. Primitivo A. Santos at Dr. Teresa Ocampo ay banggitin
Sila na mga matitinik sa UPLB Institute of Plant Breeding
Recycled styrofoams, styro cups,sawdust, fine sand din
Carbonized rice hull, SNAP A and B solusyon para may aanihin

Sa huli ang proyekto ay para matulungan ang mga komunidad
Sinabi ni Dr. Reynaldo Ebora ng ahensyang DOST-PCAARRD
Lalong lalo na yung nasa malalayong lugar at tunay ngang hirap
Mga gulay na mula sa mga tanim ay maihahain sa hapag

image