“Serye ng tulang Dagdag Kaalaman”
Ni: Associate Prof. JD AGAPITO
“Mga Bayani sa Pandemya”
Sa panahong ito ng krisis
Sino ang kailangan ng may sakit?
Mga mangagamot sa daigdig
Pati mga kasama nilang higit
Doktor, Narses at iba pang nasa propesyon
Nitong kalusugang nasa panganib ngayon
Dahil sa virus na patuloy ang mutation
Bakuna ay isa lamang sa mga interbensyon
Sa kasalukuyan ay may lumabas na isyu
Di nababayaran ng sapat ng gobyerno
May kakulangan sa dapat na benepisyo
Na siyang narararat nilaanan ng pondo
Kaya ang gobyerno ay may pananagutan
Sa mga bayani natin sa kasalukuyan
Na nagsasakripisyo para sa kapakanan,
Di alintana ang pansariling kaligtasan
Marami sa kanilang kaanak ay maysakit
Magulang ,kapatid, malayo man o malapit
Marahil sila na rin minsan ang siyang nakahawa
Pagkat di maiiwasan kung ito nga ay sinapit
Kaya may panawagan sa lahat na babasa
Gawain ang lahat na di nga mahawa
Bigat na bigat na rin ang mga ospital talaga
Di dapat na ang mga pasyente ay dumami pa
Sa huli ipanalangin natin ang lahat na kaugnay
Kasama na rin ang lahat sa kanilang hanay
Na biyayaan sila ng kaloobang matitibay
At panananalig sa Diyos habang nagsasakripisyo sa pagliligtas ng mga buhay