image

DILIMAN, Quezon City — Pormal ng nagpaalam ang Kalihim ng Department of Agrarian Reform (DAR) na si Brother John Castriciones sa mga opisyal at empleyado ng ahensya sa isang masaya ngunit nakakaiyak na pagdiriwang noong Oktubre 8.

Si Brother John ay nagpunta sa bawat silid ng gusali ng DAR upang personal na makipagkamay at magpasalamat sa mga empleyado sa kanilang suporta sa kanyang limang (5) taong pagiging kalihim ng DAR.

“Ipinagmamalaki ko ang aking pamilya sa DAR bilang ka-partner ko sa pagseserbisyo sa mga agrarian reform beneficiaries. Sigurado ako na ang DAR ngayon ay isang matunog na pangalan na sa buong bansa dahil sa lahat ng mga pinagtagumpayan natin. Hindi ko magagawa ang lahat ng mga milestones na iyon kung hindi nila ako sinuportahan,” ani Brother John.

Noong Oktubre 8, nanumpa si Brother John bilang miyembro ng PDP-Laban bilang isa sa mga kalahok sa pagka-senador sa darating na pambansang halalan sa Mayo 2022.

Matatandaang, tatakbo sana siya para sa Senado noong nakaraang midterm elections ng 2019, ngunit sa kalaunan ay nagpasya siyang manatili muna bilang kalihim ng DAR.

image