image

Dinagsa ng daan-daang OFW ang Philippine Embassy sa London ngayon araw Oct.14, para magparehistro at makaboto sa 2022 election.

Pagod at gutom ang inabot ng marami sa ilang oras na pagpila, kaya nakaisip ang mga Leni Robredo supporters ng paraan para suportahan ang mga kababayan at ang kanilang kandidato.

Kusang namili at namigay ang mga Leni supporters ng mga pink na donut para ipamigay sa mga nakapila na mula sa kanilang bulsa ang ipinambili ng pagkain.

Ani Simon Olivar, isa sa mga volunteer, “marami ng gutom sa pila, kaya nagdala kami ng pagkaing puwede rin i-share sa iba. Nakipagkuwentuhan din kami at nakakatuwang marami ang nagsabing Leni supporter sila noong nakita nilang pink donut ang baon namin.”

image