Pinangunahan ni PCSO General Manager Royina Marzan Garma ang isinagawang turnover ng P49 Million halaga ng cheke sa ilang Local Government Units (LGU’s) sa NCR bilang STL share mula PCSO at tumaggap din ang CHED bilang mandatory contribution.
Tumanggap ng kanilang percentage share mula PCSO ang mga LGU’s sa National Capital Region (NCR) na umabot sa halagang Php 32, 089,135.42. Kinabibilangan ito ng Taguig City na tumanggap ng halagang Php7,556.34, Pateros Php35,280.46, Makati City Php 25,647.70, San Juan City Php 98, 695.12, Mandaluyong City Php 63,566.83, Parañaque City Php 214,884.70, Muntinlupa City Php 232,289.36, Marikina City Php 384,369.48, Manila City Php 9,297, 534.54, Quezon City Php 15, 069,633.41, Las Piñas City Php 2, 731,702.76, Pasay City Php3,290,194.87, at Pasig City Php 637,780.28.
Kaugnay nito, nagbigay din ang PCSO ng halagang 17,005,497.30 sa Commission on Higher Education (CHED) sa pamamagitan ng Bureau of Treasury, bilang pagsunod sa mandatory contribution alinsunod sa RA#7722 na nagbibigay ng 1% sa Commission on Higher Education mula sa lotto gross sale.
Sa ginanap na turned over ceremony, umapila si Garma sa mga LGU’s na tangapin sa kanilang lugar ang operasyon ng STL, “I am appealing po sa lahat po ng mga LGU’s natin, please accept our game. I know that, hindi niyo kailangan kami pero kailangan namin kayo kasi marami po nangangailangan sa PCSO. So ‘yong kikitain po namin, from your city, from your area ay maibabahagi po namin sa ibang lugar na hirap po.”
Hinikayat din ni Garma ang mga may-ari ng puwesto na maglagay ng lotto outlet, kahit umano sa maliit na lugar, sa tindahan, at iba pang puwesto.
Ikinatuwa din ni Garma, na marami na ang tumatangkilik ng lotto sa kabisayaan. Dumarami na umano ang nagtatayo ng lotto outlet sa nasabing lalawigan.