Ang kauna-unahang Farm Contest ay magaganap ngayong taon 2021 sa samahan ng mga magsasaka ng gulay sa Hillsdale Summit Subdivision, Botong Francisco Avenue., Angono, Rizal sa ilalim ng puno ng mangga kung saan nagsimula ang kwentong ito.
Matatandaang nagsimulang mabuo ang samahang ng Angono New Normal Farmers Association ( ANNFA ) noong kasagsagan ng pang-globong pandemiko taong 2020 na kung saan nakaranas ng tag-gutom ang mga magsasaka sa nasabing lugar, kung kayat, naisipan nilang tamnan ang mga bakanteng lote na nasa kanilang likod bahay lamang. Sa tulong ng programang “GULAYAN SA PAMAYANAN”na proyekto ng DOST-PCAARRD at sa tulong na rin ng lokal na pamahalaan ng Angono Rizal at iba pang ahensiya naisakatuparan ang lahat.
Ang patimpalak na pahusayan nang pagsasaka ng mga gulay ay pangungunahan ng pamunuan ng Lokal na Pamahalaan ng Angono Rizal sa pangununa ni Mayor JERIMAE CALDERON, Mayor Vice GERRY CALDERON na naatasang mangasiwa sa pag-organisa ang opisina ni DR. JOEL TUPLANO, OIC Municipality of Angono Agriculture opis, katuwang nito sa pagbibigay ng Criteria at mga binhi ang Department of Agriculture, Provincial Agriculture Office ng Angono Rizal.
Samantala, sa ilalim ng programang “GULAYAN SA PAMAYANAN” ng DOST PCAARRD, malaking tulong sa mga magsasaka ang ibinigay na mga kagamitang pangsakahan upang mas lalong mapabilis ang paghahanda nito at maaabot ang mga kahilingan sa patimpalak.
May dalawang kategorya ang paglalabanan sa gaganaping Farm Contest: Individual Category (11 entries) at Group Category (6 entries).
Ayon kay Doc Joel, “Napakahalaga na may matutunan ang mga baguhang magsasaka sa patimpalak na ito manalo man o matalo.” Kung tutuusin walang matatalo dahil ang gulay na kanilang itinanim ay sila din naman ang makikinabang, ngunit sisikapin pa rin ng pamunuan na mabigyan ng mga consolation prices at special prices. Siyempre may pinaka-THE BEST’ Farm na siyang magiging prebilihiyo na magiging bahagi na ito ng 1st history winner ng samahang ANNFA. Kaya kung may kakayahan rin lang naman na pagbutihan ay mas maigi, ayon pa kay Doc Joel.
Hindi pa riyan magtatapos ang tulong ng lokal na pamahalaan ng Angono Rizal (LGU) na anumang kakulangan pa na mga kagamitan at paraan ng pag-unlad ay sisikapin diumano na maibigay sa abot ng kanilang makakaya.
Ganon pa man ay patuloy pa rin ang pag-alalay ng DOST-Rizal at DOST-CALABARZON .
Bagkus’, may napipinto pa itong karagdagang proyekto. Palibhasa’y nasa SENSIYA at TEKNOLOHIYA ang ahensiya ng DOST ay maaaring may makikita pa ito sa kapaligiran na mapapakinabangan pa ng taong bayan, mga natural resources ng Subdivision na pagmamay-ari ni DON BOBBY PASCO na siyang higit na pinasasalamatan nang lahat, dahil sa pagbibigay ng pahintulot na sakahin pansamantala ang kanyang nakatiwangwang na mga bakanteng lupa. (Narisa Piscos aka Ms Horizon Chaser)