image

Pinangunahan ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Royina Marzan Garma kasama si Assistant General Manager for Branch Operations Sector Atty. Lauro A. Patiag at Assistant General Manager Julieta F. Aseo ang isinagawang turnover Ceremomy ng STL shares at Mandatory Contribution sa Philippine National Police (PNP), National Bureau of Invstigation (NBI) at Commission on Higher Education (CHED) na nagkakahalaga Php 52,289,280.79.

Nitong nakaraang araw Nov. 22 2021, tumanggap ng tseke mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa STL shares ang Philippine National Police (PNP) ng halagang Php 22,058,902.37, samantalang ang National Bureau of Investigation (NBI) ay tumanggap naman ng Php 8, 823, 523.72. Ang tseke ay mula sa Small Town Lottery (STL) share para sa 2nd quarter ng 2021. Ayon sa PCSO, ito ay hindi pinansiyal na suporta sa kanilang pag araw-araw na operasyon, kundi ito ay para sa medical at dental health program ng PNP at NBI.

Ang  Commission on Higher  Education (CHED) ay tumanggap naman ng Php 21, 406, 854.70 bilang pagsunod sa mandatory contribution alinsunod sa RA#7722 o the Higher Education Act of 1994.

Sa iniwang mensahe ng kinatawan ng PNP, NBI at CHED, laking pasasalamat ng mga ito sa PCSO dahil sa kanilang nataggap na suporta at mandatory contribution matapos na matanggap ang kani-kanilang mga cheke.

Ayon naman kay PCSO Vice Chairperson Garma, na hindi naman siya humihingi ng kapalit ang hinihiling lang niya partikular  sa PNP at NBI na sana masuportahan ang palaro ng lotto at ang campaign against ilegal gambling na masustained at mas lalong mapaghigpitan, maging priority rin umano ang mga palaro ng suki sa ibaba.

Sinabi pa ni Garma  na ang issue ng imorality sa pagtaya ng lotto ay hindi umano usapin, dahil ang PCSO  ay maraming charity work na natutulungan at depende na rin umano sa tao yan kung papano ka sumali sa palaro ng PCSO.

Ang pagbili umano ng tiket sa lotto ay hindi ilegal, dalawa lang umano ang dapat pagpilian, ANG MAGSUGAL AT MAKATULONG . Kung gusto mo umanong magsugal bumili ka ng tiket sa lotto, pagkatapos hintayin nyo ang pag bola nito at i claim mo, ITO AY GAMBLING.

Kung gusto mo namang MAKATULONG, bumili ka ng tiket pagkatapos itapon mo huwag mo ng tingnan kung nanalo ka o natalo, dahil kahit natalo ka panalo ka pa rin kasi nakatulong ka. Kung nanalo ka at hindi mo na claim ang napanalunan mo, huwag mag-alala, dahil ang papremyo mo ay mapupunta sa charity fund  na kung saan popondohan nito ang charity program ng PCSO, ayon pa kay Garma.

image

image