Ipinaaabot ng Department of Agrarian Reform (DAR), sa pangunguna niDepartment of Agrarian Reform (DAR), Secretary Bernie F. Cruz ang kanilang panalangin at pakikiramay sa pamilya ng dating OIC-Secretary Rosalina Bistoyong, na sumakabilang buhay sa edad na 68 kahapon, Enero 10, 2021.
Bilang agrarian reform advocate, hinirang siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang officer-in-charge ng ahensiya noong Setyembre 8, 2017 hanggang Disyembre ng nasabing taon upang maseguro ang patuloy na paghahatid ng serbisyo publiko, pagktapos hindi maaprubahan ang appointment ni dating Secretary Rafael Mariano.
Bago siya naluklok bilang DAR Secretary, siya ay nagsilbi sa ahensiya bilang Undersecretary for Support Services Office mula 2010.
Isa sa mga natatangi niyang nagawa ay ang pagkakaloob ng suportang pautang sa mga agrarian reform beneficiaries sa pamamagitan ng agrarian production credit program, kung saan nagbigay daan upang tumaas ang membership na hihigit sa 20,000 agrarian reform beneficiaries sa mga kooperatiba ng na ginagabayan ng DAR
Nakatulong din si Bistoyong sa higit 50,000 agrarian reform beneficiaries upang magamit ang micro-finance services sa kanilang agri-business.