image

Nilinaw ni Cainta, Rizal Mayor Johnielle Keith “Kit” Pasion Nieto ang Issue hingil sa nagkalat ng Tarpaulin ni dating Mayor Mon Ilagan sa Pampublikong lugar sa Cainta Rizal noong nakaraang linggo. Nilinaw ito ng Alkalde sa harapan ng ilang mamamahayag matapos kapanayamin tungkol sa nasabing issue.

Matatandaang noong nakaraang linggo, nadaanan ni Mayor Nieto ang mga nakakabit na tarpaulin sa kahabaan ng Imelda Avenue na may mukha ng dating Mayor na si Mon Ilagan na nagkalat sa waiting sheds, poste ng Meralco , overpass, at iba pang pampublikong lugar sa Cainta Rizal, na kung saan agad na ipinatanggal ito ng Alkalde.

Pumalag si dating Mayor Mon Ilagan, matapos mabasa ang issue sa FB page ni Mayor Keith Nieto na nasa huling termino na bilang Cainta Mayor pagkatapos ng eleksyon sa darating na Mayo 2022.

Ayon sa dating Mayor, inatasan niya ang kanyang mga suporter na magkabit ng tarpaulin, subalit hindi niya alam kung saan ipinagkakabit ang mga tarpaulin ng mga ito.

Sa Facebook Page ng dating Mayor Mon Ilagan na dati ring broadcaster, agad itong humingi ng paumanhin sa nasabing insedente. “Humihingi ako ng paumanhin, hindi ko ma-control ang aking mga tao at suporter noong magkabit sila ng tarpaulin sa kahabaan ng Imelda Avenue”.

Sisiguruhin ko na sa susunod ang mga volunteer ko at mga tao ay mabibigyan ng tamang inpormasyon kung saan pwedeng magkabit ng tarpaulin.

Dagdag pa ng dating Alkalde, na bukas ang kanyang telepono kay Mayor Nieto anumang oras para pag usapan ang nasabing issue.