image

Pinanumpa ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Bernie Cruz si retired Police Brigadier General Reuben Theodore Sindac bilang bagong talagang  Director ng External Affairs and Relations Service (EARS) ng ahensya.

Si Sindac ay nanumpa noong Peb. 28, 2022 sa mismong opisina ni DAR Secretary Cruz, si Sindac na nakikitang magpapatuloy at lilikha ng mga bagong paraan sa pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mataas at mababang kapulungan ng pamahalaan.

“Sa kanyang pamumuno, naniniwala ako na magagawa niyang maging mabisa ang opisina at mabubuo ang magandang relasyon sa Kongreso at Senado patungkol sa pagtatrabaho para sa kapakanan ng ating mga agrarian reform beneficiaries,” ani Cruz.

Sinabi pa ni Cruz, na sa panunungkulan nito sa PNP lubos niyang napabuti ang logistic support services ng Phil. National Police (PNP), sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga reporma sa sistema upang maging maayos at mahusay ang paghahatid ng mga mahahalagang serbisyo sa PNP.

“Napakaganda ng track record niya sa PNP. Mahalaga ang magiging tungkulin niya sa ahensya,” ani Cruz.

Si Sindac ang pumalit kay Gerald “Dindi” Tan na ngayon ay itinalaga ng Malacanang bilang Director ng National Reintegration Center for OFWs, isang attached office ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Bago ang kanyang appointment bilang Director ng DAR, nagsilbi rin si Sindac bilang Provincial Agrarian Reform Program Officer ng DAR sa loob ng anim na buwan.

“Masaya akong maglilingkod pa rin sa ating mga kababayan. Maaaring wala na ako sa linya ng kapulisan ngayon, ngunit ibibigay ko ang aking 100 porsiyento para pagsilbihan ang ating mga magsasaka. Hindi na bago sa akin ang serbisyo publiko, mayroon akong malawak na karanasan sa pagtatrabaho sa pulisya sa loob ng 30 taon,” sabi ni Sindac.

Si Sindac, na nagsilbi bilang Police Brigadier General sa pamumuno ni General Ronald “Bato” dela Rosa, na ngayon ay senador na.