image

Bubuksan ng Komisyon sa Wikang Filipino ang Buwan ng Panitikan 2022 sa pamamagitan ng isang  na gaganapin sa 1 Abril ng 10:00 nu na tatalakayin ang tema ng pagdiriwang na Muling Pagtuklas sa Karunungang-Bayan. Magiging Tagapanayam si Dr. Felipe De Leon Jr., isang tanyag na kompositor at iskolar sa larangan ng wika at kultura. Siya ang Punò ng para sa Kultura at mga Sining.

Ang webinar na ito ay bahagi ng mandato ng KWF na magsagawa ng kumperensiya, seminar, at iba pang mga pangkatang talakayan upang umalam at tumulong sa paglutas ng mga suliranin at mga isyung may kaugnayan sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas.

Itinatadhana ng Proklamasyon Blg. 964, s. 1997 na pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang paggunita sa Araw ni Balagtas tuwing Abril 2 ng bawat taón. Gayundin, inaatasan ng Proklamasyon Blg. 968, s. 2015 ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), Pambansang Lupon sa Pagpapaunlad ng Aklat (NBDB), at Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) na pangunahan ang paghahanda, pakikipag-ugnayan, at pagpapatupad ng mga aktibidad at gawaing may kaugnayan sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan (BnP) alinsunod sa temang nailahad sa itaas.

Sa mga nagnanais na dumalo sa webinar ay maaaring makipag-ugnayan sa Sangay ng Edukasyon at Networking sa telepono bílang 85473188 o magpadala ng email sa komisyonsawika@gmail.com para sa mga tanong at paglilinaw. Ang mga dadalo sa nabanggit na webinar ay makatatanggap ng e-sertipiko mula sa KWF.