image

Matapos ang sunod-sunod na parangal na nataggap sa kanyang panunungkulan sa kasalukuyan bilang Chairman ng barangay Caniogan, Pasig City, sasabak na sa mas mataas na posisyon bilang Konsehal ng seyudad ng Pasig si Brgy. Chairman Renaldo “Rey” C. De Jesus.

Si Kap Rey ay tatakbo bilang idependiente sa darating halalan sa May 9, 2022.

Sa ginanap na Press Conference sa kanyang headquarters nitong nakaraang araw, sinabi ni Kap Rey na ang pangunahing pagtutuunan niya ng pansin kung sakaling manalo siya sa darating na eleksiyon ang edukasyon, trabaho at pabahay.

Isusulong ni Kap Rey na maging scholar ang mga batang hindi makakuha ng mataas na grado. Sa ngayon di umano, kalimitang binibigyan lang ng scholarship ng gobyerno ang matataas ang grado at walang line of 7 na mahihirap. Sakaling palarin siya na manalo, ipopropose umano ni Kap Rey sa konseho na kahit may palakol ang grado ng isang estudyante ay kailangan mabigyan din ng scholarship partikular kung ito ay mahirap.

Pagdating naman sa trabaho at pabahay, kalimitan umanong kinukuhang magtrabaho sa mga proyekto ng local na pamahalaan ay ang mga mahihirap na residente na walang sariling lupa na kinatitirikan, kung kaya kapag may umangkin ng lupa sa kanilang kinatitirikan ay basta na lang sila paaalisin kundi man, ililipat sa malayong lugar.

Kung kaya naman sakaling palarin siya na manalo, nais ni kap Rey na isulong ang Urban Land Reform sa konseho para sa mga mahihirap na matagal ng naninirahan sa lugar. Ibigay na lang sa mga mahihirap na walang lupa  ang mga kinatitirikan nito at patitituluhan para sila na lang ang magbayad ng buwis. Sakalimang mawala ito sa mundo meron silang ipapamana sa mga anak na masasabing sariling kanila na talaga. Ayon kay Kap Rey.

Sa panunungkulan ni Kap Rey bilang Barangay Chairman, nakapagpatayo na ito ng Health Center na malapit ng matapos. Matapos maantala naman ng dalawang taon ang pagpapagawa ng Barangay Hall dahil sa pandemic,. Nitong nakaraang March 22, ginanap ang ground breaking ceremony para ituloy na ang pagpapagawa nito. Naging panauhin si Mayor Vico Sotto, Congressman Roman Romulo, at Dodot Jaworsky sa ginanap na okasyon.

Sa unang pagkakataon tinaghal din ang Barangay Caniogan bilang Most Liveable at Sustainable Barangay. Si Kap Rey ay isa sa tatlong ginawaran at tinanghal  bilang Honorary barangay Captain of the year, sa bilang na humigit kumulang sa 42,028 na barangay Captain sa buong bansa. Naging Champion din ang Brgy. Caniogan sa ginanap na PasiGAY Nyo. Itinanghal na Kampion si Bb. Carly Gatchalian  Jacobo sa nasabing patimpalak.

Marami pang accomplishment si Kap Rey na nagawa sa brgy. Caniogan kung kaya susubukan naman niya ang mas mataas na posisyon sa Lungsod. Si Kap Rey, ayon sa mga nakakakila, ay sinasabing ito’y Subok na! May nagawa na! May magagawa pa!

image

image

Itinaas ni Atty Jolo NCR Chairman ng AGILA ang kamay ni Kap Rey bilang pag suporta sa kandidatura nito!