Nagsanib pwersa ang Department of Science and Technology – Metals Industry Research and Development Center (DOST-MIRDC), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at ang Local Government (LGU’s) ng Malabon City para kabitan ng Automatic Trash Rake (ATR) ang Letre Creek sa kahabaan ng P. Aquino Avenue, Barangay Tonsuya Malabon City. Layunin nito na huwag ng makapasok ang nakalutang na mga debris, plastik, dahon, at iba pang solid waste materials sa Malabon-Tullahan River System.
Ang Malabon Engineering Department ang gumawa ng structural design ng Automatic Trash Rake (ATR), ang DOST-MIRDC ang namahala sa mechanical design at ang DENR naman ang nag pondo ng nasabing proyekto.
Layunin ng pagpapatayo ng ATR ang magkaroon ng alternative measure para ma-improve ang flood control operations. May dalawa hanggang apat na trained operator ang naka-monitor sa ATR. Kung kaya, kaya umano nitong maka- kolekta ng 5 cubic meters na basura sa loob lamang ng 8-oras na operasyon at maiaahon ang maraming basura sa kahabaan ng creek. Madede- clog ang drainage system, at makokolekta ng mabilis ang mga basura sa daluyan ng tubig lalo na kapag tag-ulan.
Tinatayang aabot sa 7.6M ang nagastos sa ATR facility, ayon kay Engr. Rodnel O. Tamayo, Project Leader ng ATR.
Sa ginanap na Ceremonial Turnover ng Automatic Trash Rake Facility, pinangunahan Dr. Agustin M. Fudolig, Deputy Exec. Director for R&D, MIRDC, ang Opening Remarks; Si Engr. Rodnel O. Tamayo Project Leader ng ATR, ang siyang nagpaliwanag hinggil sa proyeto. At si Atty. Michael Drake P. Matias, Regional Director, ng DENR-EMB NCR ang nagbigay ng mensahe.
Si DOST Secretary Fortunato de la Peña nagpaabot ng Partnership Stataement at ipinaliwanag naman ni DENR Jim O. Sampulna kung saan nagmula ang ginastos na pondo.
Bilang kahalili ni Malabon City Mayor Antolin A. Oreta III, nagpasalamat si Administrator Volter Dela Cruz sa DOST at DENR na ang Malabon ang kauna-unahang napili para pagkabitan ng Automatic Trash Rake (ATR) facility. Maiibsan na umano ang matinding pagbaha sa kanilang lugar tuwing sasapit ang tag-ulan dahil magiging maayos na ang daluyan ng tubig at masasala na ang mga inaanod na basura sa mga creek na papuntang Tullahan River.
Nagsilbing witness sa nasabing seremonya ang ilang DOST at DENR secretaries at ilang opisyal ng Malabon LGUs.