Isinagawa ng Metro Manila Health Research and Development Council (MMHRDC), nitong nakaraang May 17, 2022 ang isang napakahalagang vitual seminar hinggil sa paksa na may temang: “Pagkain, Nutrisyon, Kalusugan at Kaligtasan: Pagharap sa Hamon ng Makabagong Panahon.”
Naging katuwang dito ang Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) at sa pakikipagtulungan ng Industrial Technology Development Institute (DOST-ITDI).
Layunin ng nasabing forum ay mapukaw ang kamalayan ng publiko, at maipakalat sa mamamayan o komunidad kung ano ang agham at kung ano ang kanilang mga ginagawa upang matugunan ang suliranin ng publiko hinggil sa health, nutrition, and food safety.
Kailangang malaman ng mamamayan ang pagpapanatili pagdating sa proper health o tamang pagkain habang nasa ilalim pa ang bansa ng pandemya.
Sa nasabing forum, naging tagapagsalita ang ilan sa mga opisyal sa sangay ng DOST na sina: Dr. Anabelle Briones ng DOST- ITDI, DR. Jaime Montoya ng DOST-PCHRD, kinatawan ng Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) at ilan pang mga experto pagdating sa food handling , nutraceuticals at functional ingredients, food packaging contaminants, and food preservatives.
Sa kabuoan, naging matagumpay ang isinagawang Virtual Forum kasama ang dalawang magagaling na Host na sina: Ms Meg Atienza at Ms Hazel Catublas.