image

Hiniling ng isang grupo kotra katiwalian sa Ombudsman, na imbistigahan ang tatlong  Partylist Congressman sa kasong Graft and Corruption. Kinilala ang tatlong Kongresista na sina: Congressmen Eric Yap, Cong. Zaldy Co at Cong. Edwin Gardiola. Nakasaad sa reklamo ng Task Force kasanag International (TFK) na ipinarating sa Ombudsman,  na ang tatlong kongresista ay lumabag sa Anti-Graft and Corruption Practices Act.

Ang nasabing reklamo ay nag-ugat sa isang proyekto na Landslide Slope Protection System (LSPS). Isang proyekto na naglalayong maproteksyunan o mapigilan ang pagbagsak ng mga bato mula sa bundok ng Cordillera noon pang taong 2018.

Ang proyekto umano ay pinondohan ng halagang Php 50 Billion para sa gastusin at ipambili ng mga materiales, kagaya ng bakal, at iba pang kagamitan sa paggawa ng panangga sa mga falling debris na bumabagsak mula sa bundok ng Cordillera Administrative Region.

Sinabi ni John Chiong, Chairman at Pangulo ng Task Force Kasanag International (TFK), na nakipagsabwatan umano ang tatlong Kongresista sa ilang opisyal ng DPWH sa pagmanipula at pagkontrol sa bidding ng mga proyekto sa DPWH, at may pagkakataon pa umano na humihingi ng cash advance (CA) para sa proyekto ang mga ito upang ibigay sa mga kontratista.

Dagdag pa ni John Chiong, na ang mga ginagamit na bakal ay sub-standard,  at made in China, kung kaya mga ilang buwan pa lamang na nakakabit, bumibigay na ang mga bakal na ginawang panangga sa landslide.

Matatandaang sina Eric Go Yap ay Representative ng ACT-CIS Patylist (Anti-Crime & Terrorism-Community Involvement & Support Partylist); Representative Elizaldy “Zaldy” Co ng AKO BICOL Partylist, may-ari ng Sunwest Construction & Development Corporation; at Representative, Engr. Edwin Gardiola ng CWS Partylist (Construction Workers Solidarity Partylist).

Dumalo sa ginanap na Press Conference sa isang restaurant sa Quezon City nitong nakaraang June 14, 2022 ang Presidente at Founder ng Task Force Kasanag International (TFK) si Mr. John Chiong, Atty. Roger Reyes TFK, Vice President,  Atty Eugene Alfaras, TFK Legal Council, Jonnilyn Bercasio, TFK Coordinator, ilang kaanib ng samahan, at mga miyembro ng nasabing grupo.

image