image

Pormal ng nanumpa ngayong araw June 29, 2022  ang mga bagong halal na opisyal ng Mandaluyong City sa harapan ng napakaraming tao na dumalo sa nabanggit na okasyon.

Matapos ang halos 24 na taon na paninilbihan bilang punong lungsod ng Mandaluyong City, muling nanumpa si Benjamin Abalos Sr. kay Suprime Court Associate Justice Rodil Zalameda, bilang bagong halal na alkalde ng nabanggit na lungsod. Si Mayor Benjamin Abalos Sr. ay nanumpa sa pamamagitan ng online livestream mula sa kanilang bahay sa Barangay Highway Hills, samantalang ginaganap ang face to face Oath Taking sa City Hall Complex ng Mandaluyong City.

Si Mayor Benjamin Abalos Sr. ay nag positibo sa COVID-19. Matapos na mag palaboratory na kung saan sa ngayon ay naka-isolate, “Unfortunately my health didn’t cooperate.  Tarantado itong sakit ko, Imagine sumuko, akala ko sakit lang yun pala covid, salbahe ano, but anyway, huwag kayong mag alala, I’m strong, kayang kaya natin ito, at maniwala kayo, at naniniwala ako sa kasabihang ang mababait lamang ang kinukuha ng Panginoon,”   kwento  ni Abalos na halos nagtawanan lahat.

Ang dating Mayor na si Carmelita “Menchie ”Abalos, na ngayon ay nahalal bilang Vice Mayor, ay nanumpa naman kay Justice Rodil Zalameda. Kasabay na umakyat nito ang kanyang pamilya sa pangunguna ng kanyang asawa na si incoming DILG Secretary Benhur Abalos.

Ayon kay Menchie, “Sa pagpasok ko sa panibagong yugto ng aking paglalakbay, tungo sa epektibong pamamahala at pagpapabuti ng serbisyo publiko, bilang inyong Vice Mayor, wala na akong takot, wala ng rin akong agam-agam, wala ng pagdadalawang isip at wala na ring uurong sa laban, susulong tayo at gagalaw, pasulong tungo sa patuloy na kaunlaran at kagalingan, dahil kasama ko kayo at dala ko ang tiwala ng bawat Mandaleño.  Ako, si Menchie Abalos, ang inyong lingkod, na mananatiling Nanay ng Tiger City. Samahan ninyo ako sa isang bagong misyon dahil ang bawat Mandaleño ay  disiplinado, tungo sa bagong konseho. Gawa at hindi salita. Magandang umaga po at God bless you all.”

Si Neptali “Boyet” Gonzales ay nanumpa naman kay Court of appeals Associate Justice Jaime Fortunato Caringal bilang lone representative ng Mandaluyong City.  Ang panunumpa ni Neptali Gonzales ay idinaos ng Livestream, dahil sa nagpositibo rin siya sa COVID – 19 kung kaya siya ay naka quarantine ngayon, matapos na magpa-test sa laboratoryo.

Sabay–sabay din na pinanumpa ni Suprime Court Associate Justice Recardo Rosario ang mga bagong halal na konsehal sa Distrito-1 at Distrito-II ng nasabing lungsod.

Kasunod na pinanumpa ni Justice Rosario ang nagwaging Pagtibayin at Palaguin ang pangkabuhayang Pilipino (4Ps)  Party-list na sina Marcelino Liban,  at Jonathan Clement Abalos.

image