image

Kasabay sa ika – sampung taon na anibersaryo ng Grab Philippines sa bansa, inilungsad naman ng Grab Philippines ang “Daan ng Natigil” katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at Land Transportation Office (LTO), ang programa para sa mga Pilipino na out –of-school youth. Na sa pamamamagitan ng programang ito ng Grab Philippines magkakaroon ang mga out-of-school youth ng magandang opurtunidad para kumita  at maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Umabot sa Tatlumpu na (30) out-of-school youth na benepisyaryo mula sa Philippine Commission for the Urban Poor (PCUP) ang tumanggap ng mga bagong bisikleta mula sa Grab Philippines, at agad na pumalaot bilang mga Trained Grab delivery-panrtners.

Dumalo sa nasabing okasyon sina: DOLE Assistant Secretary Dominique Rubia-Tutay ng Workers Welfare and Protection Group, PUCP-RPMD Chief Elsie A. Ardanas, at Senate Majority Leader Joel “TESDAMAN” Villanueva na nagpaabot na lamang ng pagbati at suporta sa mga nag benepisyo ng nasabing programa.

Sa ipinaabot na mensahe ni Senator Villanueva, pinasalamatan nito ang Grab Philippines sa tulong at suporta sa Philippine Government sa pamamagitan ng deliver goods and services sa panahon ng pandemic. Sa “Daan ng Natigil” na programa para sa mga OSYs. “ Nais po nating pasalamatan ang Grab Philippines sa ambag po ninyo sa kabuhayan ng maraming Pilipino, lalo na po sa panahon ng krisis at pandemya kung saan nagpatuloy ang daloy ng goods and services at upang makapag-work from home ang ating mga manggagawa. As a Grab drivers, you braved the roads during the pandemic  so that other Filipinos could safely be home ,” ayon kay Senator “TESDAMAN” Villanueva.

Matatandaang ang Grab ay nakapag serbisyo na sa halos 480 na seyudad sa walong bansa sa Southeast Asia na rehiyon katulad ng – Cambodia, Indonasia, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Vietnam at Pilipinas. Itinatag ang Grab taong 2012 na ang misyon ay  upang makagawa at makatulong sa ekonomiya ng bawat bansa sa pamamagitan ng Food Deliveries and services .

image

image

image