image

Sa kabuoan, naging mapayapa ang ginanap na botohan sa lungsod ng Pasay nitong nakaraang Mayo 13, 2019, kung saan ang naging mahigpit na magkatungali ay ang tumatakbong Mayor Chet Cuneta at ang  dating Pasay City Representative Emi Calixto, Rubiano. Sa pagtatapos ng nasabing bilangan, si dating  Pasay Representave Calixto ang muling itinanghal na nagwagi sa pagka Mayor naman ng nabanggit na lungsod.

Sa aming monitoring sa mga paaralan na pinagdausan ng halalan, nasaksihan natin ang tahimik at walang anumang karahasan, maliban na lamang sa mga nakita natin sa ilang eskwelahan na sarado ang mga palikuran ang iba ay naka podlock pa, na sa tindi init ng panahon wala man lang mapaghilamusan at kung wala pang nag reklamo hindi bubuksan ang palikuran.

Meron din namang ibang eskwelahan na suportado ng mga barangay health workers na siyang nangangasiwa sa mga problemang pang kalusugan, na bagamat maiinit ang panahon ay may mga ngiti pa rin sila sa labi, na handang tumulong sa mga nangangailangan. Particular sa mga butante na tumataas ang blood pressure, masakit ang ulo. Nahihilo, tumataas ang sugar, at iba pang sakit dahil na rin sa tindi ng init ng panahon, binibigyan naman nila ito ng paunang lunas.

Ilang eskwelahan naman ang binisita ni NCRPO Chief MGen Guillermo Ellazar kasama ang ilang tauhan nito. Isa na rito ang paaralan ng Padre Zamora Elementary school, na kung saan inalam nito sa school Principal na si Eden E. Dioquino ang kalagayan ng botohan sa nabanggit na paaralan, kung ilan ang mga butante, kung ilan ang bilang ng mga pooling precints at ilang pang mga katanungan.

Dito rin sa nabanggit na paaralan ang sinasabing pumasok ang nasa 1,546 na mga plying voters umaga pa lamang sa araw mismo ng botohan, na kung saan natiktikan sila ng ilang mga watcher at ilang pulis, na nakatunog kaagad, kung kaya napilitang lisanin ang nasabing paaralan.

May Nasakote rin na isang flying voters na lalake na dati na umanong may warrant of arrest sa COMELEC sa magkaparehong kaso ng Flying voters. Nasakote ang nasabing lalake dahil na rin sa reklamo ng isang nagpakilalang babae na tumakbo umano bilang konsehal noong nakaraang eleksyon 2016 na kung saan ito ay natalo. Agad namang dinala ng mga pulis ang nasabing lalake na isinakay pa sa Pulis motorcycle at dinala sa pinakamalapit na presinto.

Ilan pang mga maliliit incidente ang nakalap ng grupo na naipagbigay alam sa mga autoridad na hindi na nabigyan ng pansin dahil na rin sa sobrang kaabalahan.

 imageimageimageimageimageimageimage