Tinungo ng ilang mamamahayag at mga Vloggers ang Biofarm and Natural Health Ingredients (BINHI) o Lagundi farm at planta sa Tanauan Batangas na pag-aari ng mag-asawang Patrick D. Roquel at Dra. Roquel. Ito ay para makita ng personal ang mga pananim na pinagkukunan ng sariwang lagundi at iba pang herbal plant na ginagawang herbal medicine at kung pano ang proseso sa pagawa ng medicinal plant.
Bago pa man nagtungo ang grupo na magsasagawa ng farm visit sa Tanauan Batangas, dumaan muna ang grupo sa opisina ng RICH CORP na kung saan dito dinadala ang mga finished product na dinideliber sa mga customer, na galing ng planta na mula sa Batangas.
Mula dito, nagbigay ng press briefing ang mag asawang Roquel hingil sa mga ginagawa nilang gamot kagaya ng IMMUNE Advance (capsule) na tumutulong para palakasin ang immune system ng katawan, na ang sangkap ay LAGUNDI, MORINGA OLEIFERA, SODIUM ASCORBATE at ZINC. Meron din silang Happy Cha o lagundi Tea na may 100% lagundi leaves, ANDAS Loco MOSQUIN Lotion with Natural Citronella oil, ito ay Hand and Body Moisturizer, Citronella ANDAS Spray, Citronella HAND SANITIZER at marami pang ibang uri na gamot.
Narito ang presyo ng ilang produkto ng RiCH CORP:
Ipinaliwanag din ni Mr Patrick D. Roquel, Presidente ng RiCHCORP at Vice President Dra Roquel kung ano ang Roqs International Cosumer Health Corporation (RiCHCORP ). RiCHCORP – is a modern green consumer company that specializes in natural organic ingredient for health care (food supplements and herbal medicine), personal care and household care, that conbines wealth of experience and expertise in providing innovative, improved and global quality products that enhances consumer lifestyles, health and well being.
Ang VISION: Become one of the global market leaders in natural products with organically grown ingredients that promotes health and enhance the well being of everyone.
Ang MISSION: Inspired by St. Pio of Pietrelcina, RiCHCORP seeks to help people lead quality and comfortable lives by developing effective, efficient, convenient and superior organic products.
Pagkatapos ng mahigit sa isang oras na press briefing, tumungo na ang grupo sa kanilang pakay.
Unang pinuntahan ng grupo ang planta, na kung saan ipinakita ng mag asawang Roquel ang pag poproseso nito para maging halamang gamot. Unang ipinakita sa grupo ang wash room: dito hinuhugasan ng maigi ang mga halamang gamot. Kasunod na pinuntahan ang drying room na kung saan dito pinatutuyo ang dahon ng lagundi, malunggay, at iba pang halamang dahon. Sa nasabing planta doon na mismo ginagawa ang iba’t ibang uri ng food suppliment, gamit ang lagundi, malungay, at iba pang medicinal plant. Doon na rin ginagawa ang repacking ng mga produkto sa nabanggit na planta.
Mula sa planta, tinungo na grupo ang Farm-I na kung saan makikita ang ibat-ibang uri ng halamang gamot na kinabibilangan ng lagundi, malungay, citronella, sambong, madre de cacao, at iba pang halamang gamot na pinapatubo sa lupa at sa tubig na tinatawag na aqua culture. Huling pinuntahan ng grupo ang farm-3 na kung saan nakatanim ang malungay at napakaraming lagundi.
Ayon sa mag asawang Roquel, ang lawak ng taniman ay umaabot sa dalawampu’t isang (21) ektarya ng lupa. Ang mga nagtatrabaho rito ay may bilang na tatlumpu hangang apatnapu (40) katao, at nadadagdagan pa ito sa panahon ng pag-haharvest ng lagundi. Hindi rin umano sila nag i-ispray o naglalagay abono at pataba, dahil ang lupa ay talagang mataba na. Ito ay dumadaan sa tamang proseso ng pagtatanim at ang lupa ay dumaan sa pagsusuri ng DA-Bureau of Soil.
Biofarm and Natural Health Ingredients (BINHI) Farm Manager Tatay Cesar Pecho