Umabot sa mahigit isang daang (100,000) mag-aaral ng biblyia, ang nagsipagtapos sa kursong teolohiya. Ito ay nagmula sa Zion Christian Mission Center (ZCMC) Class 113 sa Daegu Stadium na ginanap noong Linggo, Nobyembre 20, 2022 na may kabuuang 106,186 ang nagtapos mula sa 79 na bansa kabilang ang Pilipinas, at sinasabing pinakamataas na bilang ng mga nagsipagtapos sa kasaysayan ng buong mundo.
Ang institusyon ng ZCMC ay pinamamahalaan ng Shincheonji o New Heaven and New Earth Church of Jesus, isang simbahan na nakabase sa South Korea. Ang kursong teolohiya na may bilang na 66 na aklat ng bibliya ay tinapos ng mga nagsipag-aral sa loob ng 9 na buwan.
Ito umano ang kanilang pangalawang pagtatapos na umabot sa mahigit 100,000 katao, pagkatapos ng halos tatlong (3) taon. Sa kabila ng pandemya, nabuksang muli ang kanilang klase gamit ang online platform.
Isang press confernce ang ginanap noong martes, Nobyembre 22, 2022 sa isang restaurant sa Quezon City na dinaluhan nina: Pastor Josefino Bornales, Pentecostal Holiness Church; Director of Oversees Churches Aaron Russo, Shincheonji Church of Jesus; Abigail S. Saguid, Theology Department Head HQ Philippines (Shincheonji Church of Jesus); at Jun Ewick, president New Life Evangelical Training School Inc. and Senior Pastor of New Life Church.
Sa ginanap na press conference, ibinahagi ni Pastor Jun Ewick ng New Life Church ang kanyang karanasan noong siya ay nag-aaral pa ng kurso taong 2019. Ayon kay Pastor Ewick, ang mga pastor ay naghahanap ng katotohanan sa likod ng ibat-ibang katuruan sa seminaryo. Dagdag pa nito, na bilang dati ng dekano at propesor ng isang bible school na tulad niya, ay may pananagutan sa itinuturo nila sa mga miyembro.
Ayon naman kay Pastor Bornales na magtatapos ngayong taon, plano niyang magtayo ng isang Bible center upang maituro niya ang kanyang mga natutunan sa kanyang pag-aaral.