Matapos ang halos tatlong taong pagkakatenga ng mga sapatusan sa Marikina City dahil sa pandemya, umaabot na lang ito ngayon sa 3,000, na dati-rati ay 6,000-7,000. Dahil sa pagkalugi ay napilitang magsara ang mga magsasapatos, partikular ang karamihan ng mga medium-scale.
Kung kaya naman, nag-alok si Marikina Mayor Marcy Teodoro sa mga bagong magbukukas ng sapatusan ng 100 percent tax free, at sa pangalawang taon magbibigay pa rin ang pamahalaang lungsod ng 50 percent discount, ito ay upang mahikayat ang mga dating mamumuhunan na magbukas muli ng kanilang sapatusan. Idinagdag pa ng Akalde, “meron din tayong mga bangko na kinakausap para sa low interest loan na kailangan nila, pero marami dun sa mga tumigil, dahil family business ito, ang totoo naman hindi lang naman yun yung source of income nila mga medium-scale lang ang mga ito”.
Sinabi pa ni Mayor Teodoro, na yung malalaking shoe makers na ayon sa kanilang record ay wala namang nagsara. Ito yung may kategorya na P100-million pataas ang puhunan. Subalit yung mga medium-scale na ang puhunan ay maliit lamang, ito yung karamihan sa mga nagsara. Kung kaya ayon sa Alkalde, talagang nalulungkot sila para sa mga nagsarang sapatusan, dahil sa ang mas apektado ay ang mga manggagawa.
Dagdag pa ng Alkalde, prioridad nila at inaalalayang mabuti yung mga nawalan ng trabaho sa shoe bazaar. Ngayong taon nilibre na umano niya ang renta pati na rin yung mga ginamit na stall, na kung saan siya na mismo ang nagbayad, Ang ibig sabihin nito ay 100% libre talaga.
Sa pagbubukas umano ng Bazaar noong nakaraang linggo Nov. 14, 2022, prinoppose ni Cong. Maan Teodoro na maging libre na forever ang pagbabayad ng renta, ito umano ang kahilingan ng mga magsasapatos. May kundisyon lang umano siya sa mga magsasapatos, na dapat gawang lokal o marikina-made yung ibebenta nila, hindi inangkat para yung tinitinda nila ay makatulong din para makapag generate ng trabaho.
Inaasahan ni Mayor Teodoro na sa susunod na Linggo ay maaprubahan na ng konseho ang ordinansa at gagawing libre na ang renta sa shoe bazaar. Magkaroon din ng shoe bazaar sa pagbubukas ng klase. Sa madaling salita, ang Shoe Bazaar ng Marikina ay magbubukas tuwing Kapaskuhan at Pagbubukas ng Klase.