320616092_691831772436522_4319527928553104692_n

“In every promotion comes maturity” -ito ang paalala ni National Capital Region Police Office Regional Director, PMGEN Jonnel C Estomo sa mga na-promote, at itaas ang antas ng kanilang serbisyong iniaalok sa mga tao, sa araw ng Donning, Pinning at Oath Taking ng mga bagong na-promote na NCRPO police officers nitong nakaraang araw Enero 10, 2023 sa NCRPO Grandstand, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Personal na pinangasiwaan ni PMGEN Estomo ang promosyon ng mga police commissioned at non-commissioned officers kung saan 12 ang na-promote bilang Police Major ; 462 bilang Police Captain; 38 Police Lieutenant;  82 Police Executive Master Sergeant;  266 Police Chief Master Sergeant; 168 Police Senior Master Sergeant;  345 Police Master Sergeant;  2,118 Police Staff Sergeant;  at 1,170 Police Corporal. Ang promosyon ay resulta ng merit system na ibinigay sa PNP uniformed personnel para kilalanin ang kanilang walang pag-iimbot na taon sa serbisyo.

Sabay-sabay din itong isinagawa kasama ang limang (5) Police Districts ng NCRPO. Sa acceptance speech ni PMAJ Dennis Tejada ng Eastern Police District , sa ngalan ng mga na-promote na opisyal, ipinahayag nito ang kanyang pasasalamat sa kanilang mga asawa, pamilya at mga mahal sa buhay sa kanilang walang sawang suporta at pag-unawa sa iba’t ibang sinumpaang tungkulin ng mga alagad ng batas.

Nagpahayag ng pagbati si PMGEN Estomo sa mga na-promote at sa kanilang mga pamilya. “He challenged them to remain upright and refrain from involvement in illegal activities especially in the campaign against illegal drugs.”

Iisa lang ang hamon ko sa inyo, “wag kayong sasama sa mga iligal lalo na sa iligal na droga dahil unang una, sayang ang inyong promotion at kawawa ang inyong pamilya.”

Ipinarating pa ni Estomo ang kanyang mga aasahan mula sa mga bagong na-promote na mga pulis na makakatulong sa pagpapatupad ng S.A.F.E NCRPO, at makamit ang mga accomplishment laban sa kriminalidad, lalo na laban sa iligal na droga.

“Laging tandaan na isabuhay ang layunin ng S.A.F.E NCRPO. Lahat ng ating mga aksyon ay dapat pahalagahan, at lahat ng ating mga programa at aksyon ay dapat maramdaman ng ating mga tao sa pamamagitan ng ating mga pambihirang aksyon,” pagtatapos nito. (Alfred Patriarca)

image

image

image