Arestado ng Marikina City Police ang dalawang pinaghihinalaang drug suspek kaninang 1:50 ng madaling araw Feb. 28, 2023 sa kahabaan ng Travera St., Barangay Tañong, Marikina City.
Ayon sa ulat ni PCOL Earl Castillo, Marikina City, Chief of Police kay EPD Director, PBGEN Wilson Asueta, naaresto ng mga operatiba ng Marikina CIty Police Station ang dalawang suspek habang nagsasagawa ang kanyang mga tauhan ng Drug Buy-bust Operation sa nabangit na lugar.
Kinilala ang mga suspek na sina: John Jacob Cruz, 39 years old, walang trabaho, may asawa, at Randy Domingo alias “Randy”, 44 years old, walang trabaho, at may asawa, parehong residente ng Marikina City.
Nakumpiska sa dalawang suspek ang labing isang (11) sachet, heat sealed transparent plastic na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaghihinalaang shabu, na may timbang na mahigit sa 30 gramo na nagkakahalaga ng Php 204,000.00, isang kaliber 45 na baril na may serial no. na 10591, isang magazine na may 4 na bala, isang piraso na 500 bill bilang buy bust money at isang unit ng Honda click 125 na kulay pula.
Nasa kostudia na ngayon ng Marikina City Police Station ang dalawang suspek para sa kaukulang dokumentasyon. Ang mga ito ay kakasuhan ng paglabag sa Section 5 (pagbebenta) at 11 (possession) Article II of R.A.9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ) at RA 10591. “This accomplishment of Marikina CPS implies that EPD is not letting its guard down as we continue to eradicate illegal drugs in the community of Metro East and we will intensify our campaign against illegal drug peddlers and put them all behind bars”. Ayon kay PBGEN Asueta.