BAUERTEK GUIGUINTO, Bulacan — Medical cannabis posibleng maipasa sa kongreso ang pagsasabatas sa tamang panahon para gamiting health medicine sa mga may malalang karamdaman katulad ng epilepsy, sleep disorder, seizure, anxiety, severe pain at marami pang iba.
Sa pagbisita ng ilang delegasyon mula sa Ministry of Ayush, Embassy of India, Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care (PITAHC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers na kung saan pinag-usapan ang issue hinggil Medical cannabis sa bansa .
Sa pangunguna ni Dr. Richard Nixon Gomez, scientist/inventor, at general manager ng BAUERTEK Corp., inikot ng buong team ang pasilidad at laboratoryo ng Bauertek para makita mismo ng kanilang dalawang mata ang mga kagamitan para sa pagawa ng health medicine, na dati ng nagmamanufacture ng mga halamang gamot noon pang nakaraang 2020.
Ito rin ang posibleng gamitin sa pagawa ng medical cannabis, sakaling pumasa na ang batas na nagbibigay pahintulot sa paggamit ng medical cannabis na matagal ng naka tengga sa Senado at Kongreso.
Ayon kay Rep. Robert Ace Barbers, bilang Chairman of the House committee on dangerous drugs, patuloy ang kanilang hearing sa usapin hinggil sa medical cannabis at para sa pagamit nito. Gumawa na rin sila ng technical team na makakapag-provide ng kaukulang mga papeles sa mga ahensiya ng gobyerno bago ma-finalize ng committee ang proposed legislation, na posibleng pumasa na sa kongreso sakaling mapag-aaralan na ng husto.
Sakaling maging batas na ang bill para sa medicinal cannabis, istriktong ipatutupad ang regulasyon sa pagmamanufacture at sa production ng medical cannabis, ayon pa sa mambabatas.
Naging panauhin sa nasabing pagbisita at ginanap na Media Health forum sina: Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pangunguna ni Laboratory Service director Randy Pedroso, Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care sa pangunguna naman ni director general Dr. Annabelle Pabiona de Guzman, Indian embassy representatives and officials of the Indian Ministry of Ayush.
Malugod na pinasalamatan ni Dr. Gomez ang buong delegasyon ng AYUSH, Indian Embassy, PITAHC, PDEA, at Rep., 2nd district, Surigao del Norte Robert Ace Barbers, at mga media na nagcover sa nasabing event kasama ang ilan pang mga bisita.