image

National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) Secretary Guiling A. Mamondiong, umapila sa lahat ng Khatib (nagbibigay ng sermon tuwing biyernes), sa mga imams, at sa lahat ng muslim religious scholars o aleem, na isama sa kanilang weekly khutba (friday sermon) ang tungkol sa kapayapaan, pagpapatawad, pagpapasensiya, pagmamahal sa bayan at ang pagpuksa sa kahirapan.  Umapila rin ang commission sa mga non-muslim, religious leaders,  na isama rin ito sa kanilang sermon.

Sa ginanap na press conference nitong nakaraang June 17, 2023, pinagusapan sa nabanggit na press conference ang tungkol sa NCMF vision para sa taong 2040, Hadjj at Pilgrims sa Saudi Arabia, at iba pang issue hinggil sa NCMF. Unang napagusapan sa ginanap na press conference ang tungkol sa pag-alis ng mga pilgrims ngayong 2023.

Mataatandaang, noong nakaraang taon nagkaroon ng aberya ang 398 na pilgrims papuntang Saudi Arabia para dumalo sa HADJJ ritual na taunang ginagawa ng mga Muslim.

Ayon kay Yusoph J. Mando, Commissioner at spokesperson ng NCMF, na nitong nakaraang June 3, 2023,  umalis ang unang batch ng mga pilgrims para dumalo sa HADJJ na taunanang ginagawa sa Saudi Arabia. Ang huling batch umano ay umalis naman noong June 16, 2023 at mananatili sila sa Saudi Arabia ng mga isang buwan bago makabalik sa bansa. Dagdag pa ni Commissioner, na binago na umanong lahat ang sistema partikular ang maling patakaran kung kaya’t naging maayos ang pagpunta ng pilgrims ngayong taon.

Naging masaya umano ang NCMF dahil umabot sa bilang na 7,500 ang nakaalis na pilgrims patungong Saudi Arabia para dumalo sa hadjj ng walang nangyaring aberya, ayon pa kay commissioner Mando.

Sinabi pa nito, para makasama umano sa Hadjj pilgrim patungong Saudi Arabia, kailangang maghanda ng P300,000 plus ang bawa’t pilgrim para sa kanilang passport, round trip plane ticket, accommodation at iba pang gastusin.

Sinabi naman ni Abdul Hannan M. Tago, Excecutive Assistant IV, na ang bawat bansa ay may quota kung ilang ang required na dadalo sa bawat taon.  Isang beses lang dapat umano sa buong buhay ng bawat Muslim ang pagdalo sa Hadjj. Ayon naman kay Commissioner Mando. Subalit, ito umano ay depende na rin sa required na bilang o quota sa bansa kung saan ka namamalagi. Kung ang bansa mo ay hindi umabot sa quota ang mga sumama, maari umano itong gamitin ng mga nais pang dumalo sa HADJJ kahit nakadalo na siya, basta’t mababayaran lang ang kaukulang gastusin. May pagitan dapat umano ng 5 taon ang muling pag punta sa Saudi Arabia para dumalo sa Hadjj. Ito’y ayon kay Tago, na sinigundahan naman ni Mando.

Dagdag pa ni Commissioner Mando, na ang vision para sa 2040 ay ang pagkakaroon ng incoming vision para sa mga kababayan natin at ito ay hindi dapat madaliin. Kung gusto umano natin ng seryoso at makabuluhang reporma kailangang bigyan natin ito ng sapat na panahon.

image