Naging masigla ang talakayan sa ginanap na BAUERTEK Media Health Forum Lunes ng umaga June 19, 2023, na kung saan ito ay sa pangunguna ni Dr. Richard Nixon Gomez, scientist/inventor, at General Manager ng BAUERTEK Corporation. Idinaos ng Bauertek ang Media Health Forum sa bago nitong venue sa isang restaurant na matatagpuan sa ITON CENTRIS, Quezon City.
Naging panauhin ang Presidente ng Filipino Inventors Society na si Inventor Ronald Pagsanghan, na suportado umano ng mga inventor ang mga produkto na hango sa cannabis. Dumalo rin si Gem Marq Mutia MD ng Philippine Society of Cannabonoid Medicine, na matagal ng lumalaban para isulong na maging legal ang paggamit ng medical cannabis sa bansa. Ipinaliwanag din nito ang mga maling haka-haka ng mga pinoy pagdating sa marijuana.
Ayon kay Inventor Pagsanghan, kailangan magkaroon ng public awareness ang mga Pilipino pagdating sa marijuana, na kailangang mawala ang kanilang negative mentality. Kailangan din palakasin ang information dissemination para malaman ng taong bayan ang magandang dulot ng medical cannabis.
Bilang inventor, sinusuportahan umano nila ang kasamahang inventors at tinutulungan nila kung pano mako-commercialize ang kanilang mga produkto. Dahil, ito umano ang problema ng mga inventors kung kaya hinahanapan nila ito ng business matching at mga investor.
“Ang nakakalungkot pa, kung paano sasabayan ang mga imported na producto, partikular ang mga produktong made in China, na kung saan bagsak ang presyo ng kanilang mga produkto. Bukod sa mura na meron pa silang tax exemption. Paano pa sila makikipag compete sa mga imported na produkto? Ang produktong lokal naman natin ay hindi nakakasabay, dahil sa production cost pa lang ng produkto natin mataas na, dapat umanong maisa-ayos ang ganitong mga bagay,” dagdag pa ni Pagsanghan.
Ayon naman kay Dr. Mutia na halos sampung taon ng nakikipagdebate sa ibang stakeholder na ayaw sa panukalang batas sa hindi malamang dahilan, “Kailangan daw alalahanin na kapag nag eexamine ng research, hindi lahat ng research ay pantay-pantay. Meron umanong low quality at meron din high quality research. Karamihan sa research tungkol sa marijuana ay tungkol sa kasamaan, hindi ang magandang maidudulot ng medical benefits.
Sinasabi pa ng mga ayaw sa panukalang batas, na ang marijuana ay isa sa nakakapag – cause ng aksidente sa daan, pag purol ng utak, pagkasira ng isip at ng sanggol, na ang gate theory ay malululong sa iba pang mga droga at ipinagbabawal na gamot. Ito umano ay wala pang basihan hanggang sa ngayon at hindi pa napapatunayan na ang marijuana ay nakakasira ng isip at nakakapurol ng utak,” dagdag pa ni Mutia.
Ibinahagi rin ni Dr. Gomez ang karanasan nito bilang scientist/inventor, at General Manager ng BAUERTEK Corporation kung pano gayahin ng ibang bansa ang producto ng Bauertek. Ito umano ay lubhang nakakagulat at nakakasama ng loob dahil, meron umano silang kliyente na mayroong herbal product, na may billboard pa na makikita sa edsa, sikat umano ang herbal product na ito. Ang modus, nagpapagawa ng isang milyong piraso ng kapsula sa Bauertek. Nagtataka sila kung bakit hindi maubos-ubos ang isang milyong kapsula na ipinagawa sa kanila samantlang napakalakas naman ng benta nito.
“Nalaman nila, na sa bawat pagawa sa Bauertek ng isang milyong kapsula, sampung milyon naman ang ipinapagawa sa China na itinatakas, isinisingit at ibinibenta sa lokal market dito sa Pilipinas. Ang kanila umanong registration ay sa Pilipinas pa rin na nakapangalan sa Bauertek, pero ang majority ng produkto nila ay ini-ismuggle mula China.”
“Pagkalipas ng isang buwan, dalawang buwan, meron reject at ibinabalik sa Bauertek at nagrereklamo, bakit reject ito, bakit expired ito, bakit pangit ang material nito, na kahit anong tingin nila, alam nila na hindi gawa ng Bauertek yon. Hanggang sa matuklasan nila na ang pinapagawa sa kanilang isang milyon 10 doble ang ipinapagawa sa China, na nakakasira sa kalusugan ng umiinom nito. Kaya dapat talagang tangkilikin natin ay ang gawang pinoy na legal at hindi smuggle,” dagdag pa ni Gomez.