image

Pinasinayaan noong nakaraang Martes June 20, 2023 ang pagbubukas ng kauna-unahang MHIRA Natural Soap & Cosmetics na matatagpuan sa Phase 3 Cluster, Mabuhay Subdivision, Cabuyao, Laguna na pagmamay-ari ni Ginang MHIRA P. BITUIN.

Ang nasabing Grand opening ay dinaluhan ng mga kapatid, kamag-anakan, kaibigan, kapitbahay,  mga kasama sa reliyon, opisyal ng barangay at ang mismong Brgy. Chairman ng Mamatid na si Jervis Himpisao.

Nakiisa rin sa pagtitipon ang OWWA IV-A Regional Representative Francisca Lanuza (OIC Programs and Services Division) at mga kasama nito.

Naging panauhing pandangal si Hon. Dennis “Den Ha” Hain, Mayor ng Cabuyao Laguna na hindi nakadalo. Ito ay renepresentahan ni Ginoong Nani Himpisao, Administrator ng bayan ng Cabuyao, Laguna at dating  Chairman ng Barangay Mamatid ng nasabing Bayan.

Sa unang bahagi ng Grand opening, nagkaroon muna ng panalangin at pagkanta ng mga praise song ang mga kasamahan ni MHIRA sa relihiyon. Pagkatapos nito, isinagawa ang ribbon cutting, kasunod nito ang factory and office blessing. Isinunod naman ang pagbabasbas sa mga produkto at pagbabasbas sa pamilya Bituin sa pangunguna ni Ginang Mhira Bituin.

Sa mensahe ni Ginang Bituin, pinasalamatan nito ang mga dumalo sa kanilang okasyon, partikular ang mga espesyal na panauhin, mga pastor na sina: PASTOR ALVIN DESPUIG at PASTOR EDU PATRIARCA na siyang nagbigay ng pagbabasbas at makabuluhang mensahe sa pamilya Bituin at sa lahat ng nakisaya sa nabanggit na pagtitipon.

Bilang kaisa rin sa pamamahayag, pinaunlakan din ni Ginang Bituin ng panayam ang mga kaibigang Media na nais malaman ang kanyang sikreto kung bakit napunta sa pag nenegosyo, at bakit cosmetic ang napili niyang negosyo.

image

image

image

image

image

image

image