image

Naging panauhin sa ginanap na BAUERTEK Media Health Forum si Mary Grace Bagares, miyembro ng Cannahopefuls Inc.  Siya ay isang ina, 31 years old, may apat na anak, at lumalaban para sa kanyang pamilya na matagal ng nagdurusa dahil sa pagaalaga sa kanyang panganay na anak na siyam (9) na taon ng may matinding sakit. Patuloy na nagresearch at nalaman niya na ang tanging makakapagbigay lunas sa sakit ng kanyang anak ang halamang gamot na medical cannabis.

Kasama sa naging guest si Dr. Gem Marq Mutia, Presidente ng Philippine Society of Cannabinoid Medicine. Nagsilbing host sina, Broadcaster Rolly “Lakay” Gonzalo at Edwin Eusebio.

Ayon kay  Dr Richard Nixon Gomez Bauertek President, scientist/inventor, matapos ang naganap na senate hearing hinggil sa cannabis kamakailan, sinabi ng ilang nakaupo sa gobyerno na kailangang magpaturo tayo sa bansang Israel pagdating sa paggawa ng medical cannabis, at dapat ay imported lamang. Sabi nila, ang Israel daw ay nag research ng 19 na taon, at ang ibig sabihin kailangan tayo ay mag research din ng 19 na taon, at pag-aralan ang proper cultivation, proper labelling at proper packeging.

Sagot ni Dr. Nixon, palagay ko hindi na natin kailangan ang Israel pagdating sa ganyan! Ang kanyang katugunan sa naganap na senate hearing ay ipinakita ni Dr. Gomez sa pamamagitan ng mga larawan.

Narito ang ilan sa mga larawan na ipinakita ni Dr. Gomez:

image

image

Si Dr. Richard Nixon Gomez ay naging radio broadcaster ng halos dalawang dekada sa ibat-ibang radio station. Sa kasalukuyan ay aktibong nag – poprograma pa rin sa ilang nabanggit na estasyon ng radio araw-araw mula lunes hanggang biyernes, sa kanyang programang KAIBIGAN SA KALUSUGAN. “May mga kasama kaming team radio broadcasters at mga licenced practicioner,” dagdag pa ni Gomez.

image

Naging scientist of the year at inventor of the year siya dahil sa mga nagawang gamot na nakakatulong sa kalusugan ng tao.

 

image

May sariling pharmaciutical company, ito ang “Bauertek” na may licensiya  mula sa food and Drus Administration (FDA) para gumawa ng drugs o gamot, may licensiya din ang Bauertek na gumawa ng food suppliments o halamang gamot at gumawa ng cosmetics. Ibig sabihin lang na may lisensiya ang Bauertek  mula sa gobyerno na gumawa ng gamot ilang taon na ang nakalilipas. Ang kumpanya ng “BAUERTEK” ay matatagpuan sa Sta Rita, Guiguinto Bulacan na 45 minuto ang beyahe mula maynila. Ayon pa kay Gomez.

image

Makikita sa loob ng Bauertek ang mga advance na kagamitan o pasilidad para sa pagsusuri at pag-aaral ng mga compound na kung saan doon malalaman ang purity ng mga compounds ayon pa kay Dr. Gomez.

image

Mula sa Region I, Batac Ilocos, nagkaroon ng MOA signing ang MMSU- Department of Agriculture at Bauertek Corporation. Isang napakalaking government land ang ipinagkaloob nila, kasama na ang processing facility.  Dito  ipo-proseso ang mga tinanim na halamang gamot na itatanim sa lupaing ito.image

image

image

image

Dito sa Nueva Ecija, University of Science Technology sa Region III, Gabaldon, Nueva Ecija, mayroon din plantasyon at proccessing facility. Kumpleto ito sa makinarya na kailangan sa pag proproseso ng halaman na ihaharvest doon. Ang mga tanim sa nasabing plantation ay malunggay, na kung saan doon mo makikita ang mga matataas na uri ng malunggay at lapad ng mga dahon.