image

Nagsanib puersa ang Department of Interior and Local Government (DILG) at ang SM Prime Holdings upang pagtibayin ang Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) krusada laban sa ipinagbabawal na gamot o droga.

Sa ginanap na paglulungsad nitong nakaraang Agusto 12, 2023, bilang active partners, nagkasundo ang dalawang panig na palakasin at pagtibayin ang alyansa laban sa iligal na droga na salot sa lipunan.

Sa mensahe ni DILG Secretary Benhur Abalos, pinasalamatan ng kalihim ang SM Prime Holdings sa pagpapahayag ng kanilang pakiki-isa at suporta  sa krusada laban sa iligal na droga at pagiging aktibong katuwang ng BIDA. Dagdag pa ni Abalos, malaki ang maitutulong ng libreng pagpapalabas ng BIDA advertisment  sa lahat ng sinehan ng SM sa buong bansa.

Mapapanood na ang advertisement video ng DILG na Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) sa 74 na sangay ng SM cinema sa buong bansa na may 348 screens. Layunin nito na itaas ang kamalayan ng mga manonood at mag-udyok sa kanila na magkaroon ng partisipasyon para labanan ang iligal na droga sa bansa.

Ayon kay SM Supermalls Senior Vice President for Operations Engineer Bien Mateo, ang BIDA ads ay tinatayang 2.5 milyong indibidwal ang makakapanood at malalantad din ito sa 53.8 million followers ng kanilang digital-owned assets, habang ang e-poster format ng BIDA ads ay ipo-post sa 250 mall directories na makikita ng 4 na milyong mall goers araw-araw.

Nangako rin ang DILG at ang SM Prime Holdings, na maliban sa screening ng BIDA ads, magsasagawa ng taunang physical check up at drug test at drug-free seminar para sa mga empleyado. Magpapatupad din ng mahigpit na security procedures sa buong SM Malls, kabilang na ang roving K9s. Magkakaroon din ng mga lugar para sa mga kaganapan, pagsasanay, at pagpapakalat ng impormasyon.

Magsagawa ng mga aktibidad na may kaugnayan sa kalusugan, job fair, aktibidad para sa libangan; at ang pagpapakalat ng impormasyon sa mga digital asset ng SM.

Ang screening ng BIDA ADS ay dinaluhan ng DILG, SM Prime Holdings, Philippine Drug Enforcement Agency, Dangerous Drugs Board, Metropolitan Manila Development Authority, Department of Justice, Department of Finance, Philippine Overseas Employment Administration, Commission on Higher Education, Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, at ilan pang ahensiya ng gobyerno at mga indibidwal.

image

image

image

image