image

Masayang ibinalita ni BAUERTEK President, General Manager, scientist/inventor, Dr. Richard Nixon Gomez na napakarami na ang natututo, at napakarami ng impormasyon ang nai-share ng Bauertek Media Health Forum, partikular ng mga guest at media na nagkokober sa nasabing forum.

Sa ginanap na Media Health forum nitong nakaraang araw Agosto 14, 2023,  pinasalamatan ni Dr Gomez ang lahat ng mga nagbigay kontribusyon na tumulong para maiparating at maipaliwanag sa taong bayan kung ano talaga ang kahalagahan ng medical cannabis, at  kung paano nito magagamot ang mga malalang sakit.

Ayon kay Dr Gomez, kailangan pa rin ang tulong ng bawat isa, para maibahagi ang tamang impormasyon sa marami pang tao na hindi nakakaalam ng magandang dulot ng medical cannabis. Sinabi pa ni Dr. Gomez na sa ginanap na Senate hearing kamakailan, kakaunti na lang umano ang humaharang, at tila ba naubos na ang mga balakid.

Sinabi pa ni Dr. Richard na sa ginanap na hearing sa Senado, 60 hanggang 70 na bansa na ang gumagamit na ng medical cannabis, kung saan tanggap na ng athletic body, NBA, tinatanggap na ng olympic body, at tinanggap na rin ng maraming doctor at maraming hospital, at maraming bansa na ang nagrereseta ng medical cannabis sa kanilang mga pasyente para sa maraming karamdaman. Ang tanong, papayagan na kaya ang Pilipinas na gumamit ng cannabis o hindi, papayagan na kaya ngayong taon o sa susunod na taon, o sa 2025 pa, malabo na umano sa 2025, posible umano by next year na, diin pa niya.

Ayon pa kay Dr. Gomez, na sa sampung (10) proposed bills na nakahain sa Kongreso at Senado, siya bilang kasama sa Technical Working Group (TWG), isang bill na umano ang natatangi at napipili na maaring ma-implement sa mga susunod na araw, buwan o darating na taon.

Sinabi naman ni Psychologist Dr. Camille Garcia, na ang medical cannabis ay hindi nakakasama sa mental health ng bawat individual. Dagdag pa nito, ang medical cannabis ay hindi nakaka adik, dapat tinatanggal na sa listahan ng dangerous drugs. Ito ay sadyang ginagawa para gawing gamot sa mga pilipinong dumaranas ng naiibang sakit. Ipinaliwanag din ni Dr. Garcia ang epekto ng medical cannabis sa psychological health ng bawat individual.

Ayon naman kay Dr. Mutia na  isa sa pinaka matagal ng gamot ang marijuana sa sangkatauhan sa buong mundo, pati na rin sa Pilipinas, Mismong si Dr Jose Rizal umano ay nakakuha ng katas ng marijuana sa botika. Ang ibig sabihin ay isa siyang maistream medicine dati pa. Dagdag pa Dr. Mutia na dati umano ay ginagamit na siya sa isang daang (100) sakit, na kung saan ito umano ay clinicaly proven na para sa chronic pain, chemotherapy, vomitting, epilepsy at iba pa. Clinically proven indication at FDA approve ang main ingridient ng cannabis para diyan.

Sinabi pa ni Mutia na kamakailan ang DOH Secretary na si Herbosa ay renecognize ang medical benefits ng marijuana, hindi lang yung CBD, kundi maging yung THC, na kauna-unahang DOH Secretary na kinilala ang medical cannabis.

Naging panauhin sa ginanap na Media Health Forum Sina Dr. Camille Garcia Clinical Psychologist CEO, Clinic of the Holy Spirit; Dr. Gem Marq Mutia,  Adult Medicine Specialist at Founder, Philippine Society of Cannabinoid  Medicine. Nagsilbing host at moderator sina Rolly “Lakay Gonzalo” at Edwin Eusebio.

 

image

image

image