Apatnapu’t tatlong (43) ahensiya at lokal na yunit ng pamahalaan ang pararangalan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa pamamagitan ng Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko sa Nobyembre 23, 2026, sa Metropolitan Theater, Maynila.
Iginagawad ang parangal bilang pagkilala sa mga institusyong huwaran sa pagpapatupad ng Executive Order No. 335, na nag-aatas sa mga tanggapan at sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino sa mga opisyal na liham, transaksiyon at komunikasyon.
May apat na antas ang parangal. Narito ang mga tatanggap ngayong taon:
Antas 1: Leyte Normal University; Barangay Pulong Sta. Cruz, Santa Rosa, Laguna; mga pamahalaang lungsod ng Cebu, Quezon, Valenzuela at Pateros; Pamahalaang Bayan ng Pililla, Rizal; Anti-Red Tape Authority; Central Bicol State University of Agriculture; Bukidnon State University; Barangay Ususan, Taguig; at Department of Agriculture-Agriculture and Fisheries Information Division.
Antas 2: Pangasinan State University; Sangguniang Kabataan ng Barangay San Isidro, Iriga, Camarines Sur; Barangay Napindan, Taguig; mga pamahalaang bayan ng Donsol, Sorsogon at Sto. Tomas, Batangas; Barangay San Bartolome, Sto. Tomas, Batangas; Pamahalaang Lungsod ng Biñan, Laguna; DepEd Schools Division Office (SDO) Quezon City; Gat Andres Bonifacio Medical Center; Department of Labor and Employment-Bureau of Workers with Special Concerns; at DepEd SDO Ligao City.
Antas 3: Barangay Lower Bicutan, Taguig; Barangay Hagdan Bato Itaas, Mandaluyong; Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong; Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan; DepEd SDO Sorsogon; at DOH-Rizal Medical Center.
Antas 4: Pamahalaang Lungsod ng Pasay; Pamahalaang Bayan ng Sto. Tomas, Batangas; DepEd SDO Albay, Legazpi City, Catanduanes, Naga City, Camarines Norte at Camarines Sur; Department of the Interior and Local Government; Department of Environment and Natural Resources; at Amang Rodriguez Memorial Medical Center.
Samantala, tatanggap naman ng KWF Dangal ng Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko o Hall of Fame ang mga institusyong dalawang magkasunod na taon nang nakakuha ng Antas 4. Kabilang dito ang Quirino Memorial Medical Center, Metropolitan Manila Development Authority at DepEd SDO Iriga City.
Magsisilbing panauhing tagapagsalita sa seremonya si ACT Party-list Rep. Antonio L. Tinio.