Umabot sa 149 na Rice Retailer na nakarehistro sa City’s Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng Marikina City ang nabiyayaan ng cash aid mula sa National Government.
Sa pakikipag-talastasan ni Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro sa mga retailer ng bigas sa kanyang nasasakupan sa lungsod ng Marikina City, kahapon Setyembre 14, 2023, harapan din na pinirmahan nito ang tatlong ordinasa na makakatulong sa mga nagbebenta ng bigas sa nabanggit na lungsod.
Ang una sa tatlong lokal na Ordinasa na pinirmahan ni Mayor Teodoro ay ang Ordinance No. 68 series of 2023 also known as “Ordinance Granting Relief on Rental Payments to Rice Retailers at the Marikina Public Market in the Marikina City.” Sinasabi na ang mga rice retailer na apektado ng rice ceiling na nagrerenta ng stalls sa loob ng Marikina City Public Market, ay hindi na kailangang magbayad ng kanilang renta sa buwan ng Setyembre at Oktobre, 2023. Ito umano ay para na rin maibsan ang kanilang dinadalang mabigat na bayarin sa pagrerenta ng stall.
Pangalawa sa pinimahan ni Mayor Marceloino, ang Ordinance No. 69 Series of 2023 known as the “Ordinance Granting Relief on Business Tax Payment to Rice Retailers in the City of Marikina.” “The purpose of this ordinance is to grant tax relief to rice retailers within the jurisdiction of Marikina City who have been adversely affected by the imposition of a price cap or ceiling on rice.” Sa ilalim ng ordinansang ito, sinasabi, na ang lahat ng rice retailers na nag-ooperate sa Marikina ay exempted sa pagbabayad ng business taxes sa kanilang gross sales o reciepts sa third at fourth quarter ng taon, habang ipinapatupad pa ang price cap. Ayon kay Mayor Tiodoro, kasama sa mga exempted sa pagbabayad ng buwis ang mga nasa loob ng wet market, public market, at mga lugar na inaabot ng mga mamimili. Kasama na dito ang sari-sari store na nagbebenta ng bigas. Binanggit din ng Alkalde na hindi kasama sa exemption ang mga supermarket at convenience store.
Huling pinirmahan ng Alkalde ang Ordinance No. 70, Series of 2023 entitled. “Ordinance Granting Cash Assistance to Rice Retailers in the City of Marikina.” The measure stated that the City Government of Marikina recognizes that rice retailers are partners in delivering food services to the people, and that they should be protected and assisted during economic difficulties. The ordinance further stated: “To provide immediate financial relief to rice retailers affected by the price ceiling on rice, the City Government of Marikina shall extend cash assistance in the amount of P5,000 to each eligible rice retailer.”
Rice retailers in wet markets, public markets, and other areas accessible to the general public, including sari-sari stores that are actually selling rice, operating within Marikina as of effective date of the ordinance are eligible to receive the cash aid. Muling binangit din ng Alkalde na hindi kasama ang mga Supermarket at convenience store.
“Nagpapasalamat ako sa national government natin sapagkat mayroon tayong sustainable livelihood program na pinapatupad ngayon sa pangunguna ng DSWD, na kung saan ay nagbibigay sila ng cash assistance sa mga micro, small rice retailers natin,” ayon kay mayor Marcy. “Mayroon tayong 149 na nakarehistro sa BPLO at ‘yung iba ay sari-sari stores na nagbebenta ng bigas na may Mayor’s Permit. Sa kabuuan, mayroon tayo sa buong Marikina ng 149 micro, small rice retailers na eligible at nag-qualify para sa programa ng DSWD,” dagdag pa ng Alkalde.