Idinaos ng Mandaluyong City Jail ang kauna-unahang “Kasalan sa Piitan” kahapon, Wednesday, September 20, 2023, sa ganap na 11:00 am sa Mandaluyong City Jail, Maysilo Complex, Mandaluyong City. ito ay may temang: Love Beyond Prison Walls
Ang Mass Wedding ay handog ni Mayor Ben Abalos, Vice Mayor Menchie Abalos, Sanguniang Panlungsod at Civil Registry Department, sa pakikipagtulungan ng Bureau of Jail Management and Penology – Mandaluyong City.
Umabot sa bilang na 20 bilanggo ang nagpakasal ng civil, na binasbasan mismo ni Mayor Ben abalos. Tatlo (3) sa mga ikinasal na mag-asawa ay parehong naka-detain sa Mandaluyong City Jail at dati ng nagsasama bago pa napunta sa kulungan.
Ayon kay Mayor Ben Abalos, Ang “Kasalan sa Piitan” ay nasa ilalim ng “Re-integration, Reformation Program” ng city government at ng city jail para sa mga inmates partikular doon sa mga may good conduct time allowance.
Sinabi naman ni City Civil Registry Head Atty. Gabriel Corton, ang labing pito (17) na inmate na lalake na ikinasal ay naka-detain mismo sa Mandaluyong City Jail, at ang mga naging asawa ay pawang mula sa labas ng kulungan. Dati ng nagsama bago pa man nakulong, nagkaanak ang iba, Ang iba naman dating kasintahan bago pa napasok ng kulungan.
Dagdag pa ni Atty Corton, layunin umano ng programa na matulungan ang mga inmates at mga asawa nito na malegalize ang kanilang kasal. ito ay para maging legitimate na rin ang mga anak nito pagdating sa kanilang birth certificate, ayon pa dito.
Pinangunahan ni Mayor Ben Abalos ang kasalan sa piitan, kasama si Vice Mayor Menchie Abalos, mga konsehal ng lungsod, at naging panauhin sa nabanggit na pagtitipon si Bureau of Jail Management and Penology – National Capital Region (BJMP-NCR) Director Jail Chief Superintendent Clint Russel Tangeres, CESE.
Sinabi naman ni Mayor Menchie Abalos, meron ng programa para sa mga bagong kasal na bilango na pwede nilang pagkakitaan pagkatapos ng kanilang kasal. May itatayo umano silang livelihood programa sa loob ng city jail, na kung saan maglalagay sila ng sampung computer para gumawa ng annimation katulad captain marvel, spiderman, lastikman, at maraming iba pa. Mag ha-hire umano sila ng annimator para turuan ang mga inmates kung pano gumawa ng annimation, para sa kanilang paglabas ng kulungan meron na silang hanapbuhay, dagdag pa ng bise Alkalde.