image

Pinangunahan ni Dr Richard Nixon Gomez, scientist/inventor, General Manager, Bauertek Corporation at Rigel Gomez, scientist /inventor, President, Bauertek Corporation ang isinagawang Media Health Forum kahapon Sept 25, 2023 na ginanap sa isang restaurant sa Eton Centris , Walk Cluster 3 Edsa, Quezon Avenue, Quezon City.

Sa nasabing forum, ibinahagi ni Rigel Gomez , isang scientist/inventor at Presidente ng Bauertek Corporation at Dr. Richard Nixon Gomez, scientist/investor at general manager ng Bauertek Corporation, ang kanilang karanasan matapos na pumunta sila sa ibat- ibang bansa para libutin ang mga lugar na legal na nagmamanufacture at gumagamit ng medical cannabis bilang gamot sa may malalang karamdaman. Dito nasabi ni Dr. Gomez at Rigel Gomez, na  kung kaya ng ibang bansa gumawa ng Medical Cannabis, kaya rin ng Pilipinas!

Ayon kay Dr Richard Nixon Gomez, sisimulan na ngayong Nobyembre ang pagtatayo ng multi-million-dollar na pasilidad, pinakamalaking hybrid processing plant sa bansa, para sa paghahanda at legalisasyon sa paggamit ng cannabis upang gamiting sangkap sa paggawa ng halamang gamot. Dagdag pa ni Dr. Gomez, ang mga kagamitan na gagamitin sa pagtatayo ng pasilidad, ay isang modernong kagamitan na dinisenyo pa sa US para maging de kalidad ang mga gamot na ipoproseso dito sa Pilipinas.

Sinabi pa ni Dr Gomez, posible umanong  sa kalagitnaan na ng Nobyembre taong kasalukuyan ang groundbreaking ceremony, na dapat sa kalagitnaan na ng susunod na buwan ng Octobre ilulunsad. Subalit, nais din umanong matunghayan ng mga experto mula sa ibang bansa ang gaganaping groudbreaking, kung kaya sa buwan na ng nobyembre magaganap ito. Wala pang binanggit na petcha at lugar si Dr. Gomez, subalit, posible umanong itayo ang planta sa Gitnang Luzon, pahabol na sinabi nito.

Dagdag pa ni Gomez, na aabot sa bilang na 200 ang direktang magkakaroon ng trabaho, 100 dito ay mga farmer at ang 100 naman ay sa loob ng pasilidad, bukod pa doon sa mga apprentice na kukunin para magtraining sa planta. Marami rin umanong mga scientist na Pilipino sa abroad, pero dahil sa wala umano silang magandang oportunidad sa Pinas kung kaya napilitan silang manatili na lang sa ibang bansa.

Ito na ang pagkakataon para manatili na sa lang sa Pinas ang mga scientist natin na gustong makapiling ang kanilang pamilya ng habang buhay, imbis na mawalay pa sa mga mahal sa buhay para kumita ng malaking pera at magtrabaho pa sa abroad. Ito umano ay suporta na rin ng BAUERTEK sa “Balik Scientist Program”ng DOST na ipinatutupad, ayon pa kay Gomez.

Matatandaang kamakailan, si Dr. Gomez ay lumagda sa isang memorandum of Agreement (MOA) ng Department of Science and Technology (DOST). Former DOST Secretry “BOY” Dela Peña at Acting DOST Secretary Renato Solidum ay alam ang advocacy na isinusulong ng Bauertek. Sila ay sumusuporta sa atin at sila ay magiging bahagi ng Philippine Medical Cannabis Authority. Alam nila na ang Cannabis ay gamot at pagdating  sa medical technology, ang Bauertek ay advanced,” sabi pa ni Dr. Gomez.

“I can confidently say yes that the facilities in the Philippines will pass the quality and standards. Our one facility (Bauertek) in the Philippines is the most advanced facility in the whole of Asia.” “Yes, we can compete in the world. The Philippines has many advantages compared to the United States and Israel. The Philippines is the best location to grow Medical Cannabis.” “We also have the advantage that Bauertek will have the best facility in Asia. The Philippines is the best place to grow Cannabis,” he added. “It’s difficult to grow Cannabis in Israel as they have to spend much money to have them in indoor facilities,” dagdag pa nito.

Nagsilbing  MCEE at moderator sina broadcaster Edwin Eusebio at Rolly “Lakay” Gonzalo sa nasabing talakayan.

image

image

image

image

image