Sa ginanap na Bauertek Media Health Forum (MHF), pinangunahan pa rin ni Dr. Richard Nixon Gomez, scientist/inventor and general manager of Bauertek Corporation, ang isinagawang talakayan nitong nakaraang lunes October 2, 2023, na ginanap sa Gerry’s Grill in North Centris, North Avenue, EDSA, Quezon City.
Dumalo at naging panauhin sa nasabing talakayan sina: – Dr. Donnabel Cunanan, Dentist and President. Cannahopefuls, Inc.; Rafael Rosell, Actor and Medical Cannabis Advocates; Dr. Gem Mutia, Adult Medicine Specialist and Founder, Philippine Society of Cannabinoid Medicine at Ms. Zarah Uytengco Cruz, kauna-unahang naging empleyado bilang Program Specialist for OCM ng Sacramento California.
Ayon kay Dr. Gomez, maraming matutulungan ang cannabis. Sa katunayan sa Pilipinas ay maraming umanong atleta ang gumagamit ng cannabis dahil gumaganda ang kanilang kondisyon kapag nakakagamit nito. Dagdag pa Dr. Gomez, kapag may medical cannabis, mas kalmado, mas relax at mas nakakagalaw ang mga atleta. Pwede rin umano itong gamitin sa pedia, sa mga sanggol. Nagkakaroon lang umano ng pagkakaiba pagdating sa dossage at form, dagdag pa nito.
Ang bulaklak ng marijuana ay pinatutuyo at iniroroll sa isang foil at hinihithit. Yon ang tinatawag na raw form. Sa Bauertek Corporation, ito umano ay ini-extract ang oil ng cannabis. Ito ay pwedeng i-extract ang serphine para walang amoy at pupwede ring ibalik. Dagdag pa ni Dr. Gomez.
Ayon naman ka Dr. Cunanan, halos umaabot na umano sa 80 – 90% ang sumusuporta sa kanilang adbokasiya para sa pagsasabatas ng medical cannabis sa bansa. Ito ay kinabibilangan ng mga doctor, inventor, scientist, engineer, lawyer, politician, celebrities at marami pang iba. Hindi na umano pinag-uusapan dito kung gamot ba ang cannabis o hindi, saad pa Dr. Cunanan. Nagpasalamat din si Dr. Cunanan sa mga celebrity suporters na sina, Aiza Sequerra, Loui Mananzala at Angel Aquino.
Ayon naman kay celebrity actor Rafael Rossell, ang kanyang ina ay may cancer at ito ay napagaling ng medical cannabis. Sa diagnosis ng doktor ito ay libre na sa sakit na cancer. Dagdag pa ni Rossell, isang dekada na siyang advocate ng medical cannabis sa ngayon. Nagpasalamat ito sa mga international cannabis suporters, na nabigyan siya ng pagkakataon na dumalo sa international forum hinggil sa medical cannabis. Meron din umanong iba pang celebrity ang dumalo sa nasabing event, subalit hindi na umano niya pwedeng banggitin ang mga pangalan nito dahil may mga kontrata pa sila na dapat pangalagaan.
For his part, Rafael Rossell, actor and medical cannabis advocate said that “Because of the stigma baka maapektuhan ang kontrata nila (celebrities).” “It’s only a matter of time kung legal yan (cannabis). I think a lot of people in the showbiz industry will benefit in cannabis,” Rossell added.
Ayon naman kay Dr. Gem Mutia, ang pagiging aktibo ng utak o isipan ng isang tao, kapag gumagamit ng cannabis ay dahil na rin sa isang substance na nagagaling sa marijuana na tinatawag na Tetrahydrocannabinol. THC or Tetrahydrocannabinol is the major psychoactive component and one of the 113 cannabinoids recognized in cannabis. Ang THC or Tetrahydrocannabinol ay isang natural compound, dagdag pa ni Dr. Mutia.