image

Nakapanayam ng ilang media si Wilson Lee Flores Columnist / Owner of Kamuning Bakery Cafe at Host ng Pandesal Forum kahapon ng umaga Oct. 15, 2023. Kaugnay ito sa ginanap na free Medical and Dental Mission, kasabay sa pagdiriwang  ng “World Pandesal Day,” na  matatagpuan sa Judge Jimenez  Street corner K-1st Street, Barangay Kamuning Quezon City.

Ginanap ang nasabing okasyon mula 8 am hanggang 12 noon, at dinaluhan ng libong  residente mula sa karatig barangay at ibang lugar na nakabalita sa nabanggit na medical at dental mission.

Naging katuwang sa nasabing okasyon ang Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce Industry Inc. (FFCCCII) at Chinese General Hospital. Umabot sa 100 ang nakilahok na volunteer medical doctors, dentist, nurses, at mga staff. Ito ay kaugnay pa rin sa pagdiriwang ng “World Pandesal Day” civic at cultural project. Inimbitahan din ng FFCCCII ang ilang diplomats at mga business leaders na makilahok sa nasabing okasyon.

Ngayong araw naman ng Oct. 16, Monday #WorldPandesalDay, ganap na 10:00AM namigay ng Free Pandesal bread at iba pang pagkain ang Kamuning bakery cafe na may bilang na 100,000 pack. Pinangunahan ni Wilson Lee Flores may-ari ng Kamuning Bakery Cafe at Senate Food & Agriculture Committee Chairman Senator Cynthia Villar ang pamimigay, kasama ang ilan pang mga pangunahing bisita.

image

image

image

image

image

image