image

Matapos masakote nitong nakaraang Oktober 20, 2023 ng Manila Police District-District Special Operating Unit (MPD-DSOU), ang asawa ng umano’y wanted sa kasong Syndicated Estafa at Scammer sa Quezon City, mga biktima lumantad sa media.

Humarap sa media kahapon October 21, ang mga  negosyante na biktima ng investment scam ng kumpanyang ALEAH Marketing na pag-aari nina Leah Naga at Armando Naga. Ito ay ginanap sa isang restaurant na matatagpuan sa Baclaran, Pasay City bandang 3PM.

Ang Aleah Marketing Investment ay matatagpuan sa Quedsa Building, EDSA coner Quezon Avenue at Liwanag Street, Tatalon, Quezon city.

Ayon sa anim (6) na mga biktima na ayaw ng magpabanggit ng pangalan, na-enganyo umano silang mag-invest ng pera sa nasabing kumpanya dahil na rin sa pangako na kikita ng 30% hanggang 50 % monthly ang kanilang pera, na sinasabing “double your money”. Katunayan, sa unang buwan umano matapos na makapaglagak sila ng kanilang investment money, ibinigay na agad ang tinubo nito sa loob ng isang buwan, na hindi na nasundan pa hanggang ngayon.

Kung kaya sa paglipas ng araw, at buwan ayon sa isang biktima, halos hindi na sila nagkikibuan ng kanyang asawa, nagulo na ang kanyang pamilya maging mga kamag-anakan, dahil sa napaniwala rin niyang mag invest ng pera sa nasabing kumpanya. Sa pagkahuli ni Armando Naga, asawa ng suspek, nanawagan ang anim na sana sa kanilang paglantad, lumantad na rin ang iba pang biktima na mula pa sa Visayas at Mindanao.  Kung susumain, aabot umano sa mahigit sa P2 bilyong ang nakulimbat ng magasawang Naga sa mga biktima.

Matatandaang naaresto nitong nakaraang Oktubre 20, 2023 ng Manila Police District-District Special Operating Unit (MPD-DSOU), ang asawa ng umano’y wanted sa kasong Syndicated Estafa at Scammer sa Quezon City. Sa ginawang operasyon ng PNP, hindi nahuli si Leah, habang si Armando Naga na gumagamit ng ibang pangalan na alyas WIN CASTILLO, Winifredo T. GOMEZ, at Boss A o  Boss Arman ang tanging nasakote sa operasyon. Bukod sa mag-asawang Naga, ay si Daniel Danlag na may kaso naman na investment scam noon pang 2019. At meron ding nakasampang reklamo sa NBI at warrant of arrest mula sa Metropolitan Trial Court Pasig noong 2017 dahil sa mga kaso ng Violation of BP 22 o bouncing check dahilan para ideklarang wanted na sa batas.

Kahit nakatakas si Leah Naga, dahil sa mga kaso ng Estafa sa ilalim ng Art. 315 Paragraph 2, o katumbas ng walang inirerekomendang piyansa, kasama pa rin si Daniel Danlag na may kahalintulad ding kaso. Ang ikinasang pag aresto ay dahil na rin sa inilabas na warrant of arrest ni Judge Mari Luisa Gonzales ng Regional Trial Court National Capital Judicial Region Branch 255 sa Quezon City noong July 13, 2022. Samantala, dahil sa puspusang operasyon ng pulisya at NBI para malaman ang iba pang kumpanyang sangkot sa investment scam bukod sa Aleah Marketing Investment, buking na rin ang operasyon ng Ever Arm Marketing, at 11 Fortune Investment na inaasahang mahuhulog na sa kamay ng batas ang mga lider ng kumpanyang ito.

image