Sa ginanap na Media Health Forum kahapon Nov. 6, 2023, sinabi ni Bauertek President, scientist/inventor and general manager Dr. Richard Nixon Gomez, na halos paunti na ng paunti ang sumasalungat sa paggamit ng medical cannabis at parami na ng parami ang sumasang-ayon sa paggamit nito sa bansa. At sa tamang panahon malelegalize na ang medical cannabis sa Pilipinas, ayon kay Dr. Gomez.
Sabi pa Dr. Gomez, Ang bagong pasilidad na itatayo ng BAUERTEK at pasisinayaan ang groundbreaking sa darating na Nov. 18, na may lawak na 13 doble ang laki kumpara ng nasa Bauertek Guiguinto Bulakan. Dagdag pa niya, sa gaganaping groundbreaking sa darating na Nov. 18, ito ay dadaluluhan ng mga inimbitahang media, kasama ang ilang government officials. Base sa proposed Senate bill, sa Phase 1, ang cannabis ay para sa medical na gamit lamang. A Phase 2 ay para sa mga food supplement at ang Phase 3 ay para sa mga cosmetics.
Napakarami umanong pupuwedeng magawa sa cannabis na depende na rin sa karamdaman ng isang pasyente. Merong oil, spray at capsula, at napakarami pang kumbinasyon ang pwedeng gawin para matugunan ang pangangailangan ng pasyente. Sinabi pa ni Dr. Gomez, ang Bauertek ay may kakayahan na magtesting at magresearch ng cannabis, at mas lamang kumpara sa ibang pharmaceutical na kumpanya sa bansa.
“Napakaraming sangkap ang buong halaman ng Marijuana. Isa na sa maraming sangkap ang Cannabinoid at ang pinakamaraming sangkap ang bulaklak ng Marijuana.” Sinabi pa nito na ang bagong pasilidad ay hindi lamang nagmamanufacture bagkus magpoproduce din ng agricultural feeds mula sa dahon ng marijuana.
Aminado naman si Joey Ayala Filipino singer-songwriter and medical cannabis advocate, na hanggang sa ngayon may mga artist pa rin na gumagamit ng Marijuana. Karamihan ng mga song artist ay gumagamit nito dahil, ito umano ang nagpapalakas ng loob nila na harapin ang libo-libong tao na nanonood ng kanilang pagtatanghal na halos hindi nila kilalang lahat.
Sa kuwento ni Joey Ayala, taong 1970’s, binata at nag-aaral pa siya noon. Nahuli siya ng kanyang nanay na may dalang marijuana sa kanyang bag tiningnan ito at sinabing pagkain ng baboy ang kanyang dala, kaya ibinalik ito sa kanya. Nahuli naman siya ng kanyang ama na isang magsasaka na gumagamit ng Marijuana. Sinabihan siya nito na gumamit lamang ng marijuana ng tama at sa loob lamang ng bahay. Aminado naman ito na ang paggamit ng marijuana sa ngayon ay dapat sekreto lang dahil sa hindi pa talaga pinapayagan ang paggamit nito sa Pilipinas. May natutunan umano siya sa kanyang ama, na ang paggamit ng marijuana ay hindi big deal.
Ayon kay Joey, napakasarap ang tama ng Marijuana. Para sa akin, mas masarap pa ang tama nito kumpara sa alak at iba pang inumin. Ang marijuana umano ay cool at hip. Dapat umano tanggalin na ang pagka paranoid sa marijuana, na dapat ideally, idecriminalize na ang marijuana, dagdag pa nito. “It’s a relaxant pero kung gagamitin ko sya sa pagperform, hindi maganda. You will never learn, if it’s demonized. It’s a great relaxant. It destroys the credibility of the law,” dagdag pa nito.
Ayon naman kay Dr. Gem Marq Mutia, adult medicine specialist and founder of Philippine Society of Cannabinoid Medicine, ang medical marijuana tradisyunal man o konbensyunal, ay matagal na talagang ginagamit ito, panahon pa ng ating mga ninuno, at sa panahon ni Dr. Jose Rizal may mga botika na nagbebenta nito, wala na umanong mas tradisyunal pa sa marijuana. Sa ngayon sinasabi na nagawan na talaga ng clinical study na ang marijuana ay gamot sa multiple Schlerosis at epilepsy.
Binigyang diin ni Dr. Mutia na ang importasyon ng purified Cannabonoid ay pinapayagan para sa intractable Epilepsy lamang. Ang kagandahan ng Cannabis ay nakakatulog at nakakabuti para sa mga maysakit. Lulunasan nito ang anxiety, depression para makarelax at makatulog ang mga maykaramdaman.
Naging panauhin sa ginanap na BAUERTEK Media Health Forum sina Mr. Joey Ayala Filipino Singer/Songwriter, Medical Cannabis advocates at Dr. Gem Mutia Adult Medicine Specialist Founder, Philippine Society of Cannabinoid Medicine. Ito ay ginanap sa Gerry’s Grill Eton Centris, Quezon Avenue, EDSA, Quezon City. Nagsilbing host at Emcee naman si Broadcaster Edwin Eusebio.