Ngayon pa lamang, ramdam na ng mga tao ang 100% presence ng ambulansya sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, ito ang mariing sinabi ni PCSO General Manager Mel Robles.
Sa ginanap na courtesy call ng grupo ng PaMaMariSan-Rizal Press Corps sa pangunguna ng Presidente nito na si Neil Alcober ng Daily Tribune, kay PCSO GM Mel Robles nitong nakaraang Lunes March 26, sinabi ni GM Robles, sa taong ito pa lamang ay isang libo na ang naipamimigay na ambulansya ng PCSO.
Ang goal umano nila ay mararamdaman talaga ng tao ang 100% presence ng ambulansya sa administrasyong ito. Magkakaroon pa umano sila ng second round na pamimigay sakaling mabigyan na ang bawat isang munispyo ng tig-iisang unit na umaabot sa mahigit 1400. Bago naman matapos ang termino ni Pangulong Bongbong Marcos (BBM) ay plano pa nilang makapag-distribute ng tig-isa pang ambulansya sa bawat Munisipyo para umano magkaroon ng tigalawang unit ang bawat Munisipyo sa bansa.
Pinaplano rin umano nilang makapagbigay ng ambulansya sa mga sa mga isla ng probinsya, subalit ito ay ipaparating nila sa Provincial Government para sila na lang ang bahalang mamigay nito.
Matatandaang noong nakaraang administrasyon, 300 na ambulansya lamang ang naipamigay nila.
Ngayong linggong ito, nag turnover sila ng 60 units ng ambulansya sa ibat-ibang lugar sa bansa. Ang pamimigay ay first come first serve ang policy, na kung sino ang nakapag comply ng maaga, sila ang unang mabibigyan sa bilang na mahigit sa 1,400 na munisipyo sa bansa. Ang bawat unit ng ambulansya ay nagkakahalaga ng P2.2 million piso, dagdag pa ni Robles.