image

Sa isinagawang forum ng “The Agenda”, na regular na ginaganap sa Club Filipino tuwing Biyernes na pinangungunahan ni Atty. Siegfred Mison bilang host ng nasabing Forum. Naging panauhin noong Biyernes (Abril 5) sina dating Gobernador Luis “Chavit” Crisologo Singson at dating Chief Presidential Legal Counsel Salvador “Badong” Panelo.

Ayon kay dating Ilocos Sur Gov. Luis Chavit Singson, magpapadala siya ng electric jeepney para sa mga Pinoy Driver na gawa sa South Korea . Ang naturang jeepney ay pasok umano sa standard ng pamahalaan sa ilalim ng PUV Modernization Program.

Sinabi pa ni Singson, ginaya ang proto type jeep sa lumang pampasaherong jeep sa Pilipinas kung kaya ang nakagawian disenyo pa rin ang magiging itsura nito. Ang kagandahan pa nito, walang ibibigay na down-payment at zero interest upang matulungan ang mga tsuper at operators sa bansa.

Nakikipag-ugnayan na rin umano si Singson sa mga transport group tulad ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas o LTOPF, ALTODAP, PASANG Masda at iba pa. Aabot umano sa 100,000 na mga e-jeep ang ibibigay sa ating mga  jeepney driver yearly na gawa sa South Korea, pero sa mga susunod na buwan ay magkakaroon na rin umano ng sariling factory dito sa Pilipinas. Doon lamang sa korea gagawin ang prototype ng electric jeeps.

Nagkasundo naman sina dating Gov. ng Ilocos Sur na si Luis “Chavit” Crisologo Singson at dating Chief Presidential Legal Counsel Salvador “Badong” Panelo na panatilihing payapa ang Dagat sa Timog Tsina sa kabila ng alegasyong “gentleman’s agreement” sa pagitan ng dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte at Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

Sinabi ni Panelo na wala umanong “gentleman’s agreement” kaugnay ng usapin sa West Philippine Sea. Binigyang-diin nito na ang mga pag-uusap sa diplomasya ang solusyon sa mga hindi pagkakasundo sa mga isla. Dagdag pa nito, “Hindi dapat tayo umabot sa digmaan. Mahalaga ang kapayapaan para sa lahat.”

Sa kabuuan, patuloy ang pagtutulungan nina Singson at Panelo upang panatilihing mapayapa ang sitwasyon sa Dagat sa Timog Tsina.