34c1080c-ccd7-4a2f-9c3a-974df9112696

EID Al-Fitr MUBARAK sa lahat ng ating Muslim Brothers and Sisters. Libu-libong mga Muslim na Pilipino ang nagtipon-tipon sa Liwasang Aurora sa loob ng Quezon Memorial Circle upang ipagdiwang ang Eid’l Fitr ngayong Miyerkules (Abril 10, 2024).

Ang nasabing pagdiriwang ay nagpapahayag ng pagtatapos ng isang buwang pag-aayuno mula sa pag-usbong hanggang sa paglubog ng araw ng mga Muslim sa panahon ng Ramadan.

Sa kanilang maagang pagdarasal para sa Eid’l Fitr, kasama ng mga ina ang kanilang mga anak maging ang maliliit na sangol para sa kanilang maaga at taimtim na panalangin.

Sa mensahe ni Pangulong Bongbong Marcos para sa nabanggit na okasyon, nanawagan ang Pangulo para sa pagkakaisa sa gitna ng iba’t ibang paniniwala at pilosopiya ng mga Pilipino. (Photo by: Ben Briones)

download (17)

d7de4aa8-d716-4d9e-a13a-8164593b941d

2e724fae-0a31-4909-9d5f-8bdfbc3c0bf5