KALAYAAN SA KAGUTUMAN: Ang inisyatiba na isinasagawa ng gobyerno upang tugunan ang patuloy na kahirapan, kakulangan sa pagkain, at kagutuman. Ang mahalagang papel na ginagampanan ng sektor ng agrikultura, ay tinalakay ng mga opisyal mula sa Ehekutibong Sangay (Executive branch) ng gobyerno at ng sektor ng agrikultura sa “Huntahan” Media Forum na may temang: “Kalayaan sa Kagutuman. ” Sa pakikipagtulungan ng Unigrow Philippines na pinangungunahan ni Toto Ylagan (kaliwa) at Jesse Las Marias (pangalawa sa kanan), ito ay ginanap sa Max’s Restaurant sa loob ng Quezon Memorial Circle, sa Quezon City, noong Miyerkules (Hunyo 12, 2024), ika-126 na Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas. Dumalo sa forum (mula sa pangalawa sa kaliwa) sina National Irrigation Administration (NIA) Administrator Eduardo Guillen; Magsasaka Party-list Rep. Argel Cabatbat; at Jimmy Vistar, Pangulo ng Unigrow Philippines.(Photos by Ben Briones)
ARAW NG KALAYAAN JOB FAIR: Libu-libong naghahanap ng trabaho ang nagtungo sa isang mall sa San Mateo, Rizal kung saan libu-libong posisyon ang inalok sa Kalayaan (Freedom) Day Job Fair noong Miyerkules (Hunyo 12, 2024). Ang job fair ay isang pinagsamang proyekto ng Department of Labor and Employment at ng Public Employment Service Office ng Rizal. (Photo by Ben Briones)